Naka-ilang miss call si Rohan sa akin nitong nagdaang mga araw. Hindi ko talaga sinasagot. Wala namang kupas sa pagkuha sa akin ang driver niya pahatid sa bahay. As of now... Pagkatapos kong maligo every morning may miss call talaga akong natatanggap na agad ko namang in-ignore. Nadala na lang ako bigla. Nag-iba ang timpla ng mukha ko. Wala naman akong natanggap na message sa kanya, tanging pagtawag lang talaga na palagi kong dini-decline. Ewan ko ba at nag-iba ang pakiramdam ko nang malaman kong may babae siyang pinagkakaabalahan doon sa Australia. Para sa akin nakakabastos pa rin talaga na kahit hindi naman totoo ang relasyon namin, tapos may iba naman pala siya doon sa ibang bansa. Ano na lang ang iisipin ni Jacky kung malaman nito na si Rohan ay may iba pala... Baka iisipin niya