"Hindi ba't may kapatid kang babae? Saan na pala siya? Hindi ko yata nakita na nandoon siya sa dinner?" pagtatakang tanong ko. Pauwi na kami ngayon. Natapos naman ang dinner na maganda nag empression ng buong Moonzarte sa akin, medyo natatawa pa ako sa mga magkakapatid dahil laging nagbabangayan tungkol sa mga bagay-bagay. May side din pala silang may pagkakulit lalo na si Jeho at Alaster na palaging nagkakasundo sa mga bagay-bagay. Pero pansin kong takot silang lahat sa Mommy nila. Kapag nagsasalita kasi ito naging tahimik ang hapag. Pero 'yun nga... Habang nagtatagal ako sa lamesa napapansin ko na wala ang kapatid niyang babae. Kundi talaga ako nagkakamali, may kapatid pa silang babae? Roshana ata ang pangalan. Siya ang nakakabunsong kapatid ng mga Moonzarte brothers. Usap-usapan