Halong pangamba ang naramdaman ko habang sakay sa minamanehong kotse ni Rohan. Sino ba ang mag-aakala na ito pala ang patutunguhan sa pakikipagsawsaw ko sa kanila noong ex-girlfriend niya. Kung nanahimik na lang ako sa isang tabi at gumawa ng panibagong plan para magpapansin sa kanya, hindi sana ito mangyayari. Hindi ko rin naman pinagsisihan itong nagawa ko sa pagkat opportunity ko na ito para magkalapit kaming dalawa pero para namang hihimatayin itong puso ko sa labis na kaba, sino ba ang hindi kabahan kong sobrang seryoso niya habang nagmamaneho. Ang hirap niyang pakisamahan kahit nakaupo lang naman ako ngayon. Hindi ko na magawang ibukas ang bibig sa pagkat nanginginig ako ngayon sa tensyon. Ganito pala ang epekto ng isang Rohan kapag nalalapitan mo na, literal na nakakatakot ang