"Saan ba tayo pupunta Hale?Bakit parang malayo na tayo sa syudad?" Palingon-lingon si Samara sa bintana ng kotse ni Hale at tanging matataas na puno na ang nakikita nya. Magdadalawang oras na sila sa byahe simula ng umalis sila sa mansyon at kahit isang clue kung saan sya dadalhin ni Hale ay wala itong sinasabi. Ayaw nya sanang magtanong sa binata pero habang tumatagal sila sa byahe ay mas naku curious sya sa kung saan siya dadalhin nito. "It's a suprise Ijuvab, i want to surprise you kaya kalma ka lang dyan. I know you will loved it." ngiting sagot ni Hale habang focus ang paningin sa pagmamaneho. Nakatitig lang si Samara kay Hale habang malawak itong nakangiti, hindi maiwasang pumasok sa isipan ni Samara na kilalang-kilala sya ni Hale at dahil wala syang maalala tungkol sa binata paki