Dahan-dahang nagmulat ng kanyang mga mata si Samara at napabalikwas sya ng pagbangon ng mapansin nya na nasa ibang kwarto sya. Inikot ng paningin nya ang kabuuan ng kwarto hanggang sa matandaan nya kung kaninong kwarto ang kinalalagyan nya ngayon. Napabaling ang tingin ni Samara sa magandang orasan na nakasabit sa pader ng kwarto ng ina Hale, sa tingin nya ay mahaba ang naitulog nya dahil mag aalas singko na ng hapon. Buntong hiningang bumangon si Samara sa kama at deretsong binuksan ang pintuan para sa kwarto nya nalang magkulong ng matigilan sya at magsimula na namang tumibok ng mabilis ang puso nya dahil kay Hale na nakatayo sa harapan nya. Agad iniiwas ni Samara ang mga mata nya kay Hale dahil natatakot sya na baka may mga scenario na naman na pumasok sa isipan nya tungkol sa kanilang