Hindi mapakali si Samara sa kanyang kwarto dahil sa ikinilos nya sa harapan ng binata. Pabalik-balik ang paglalakad nya sa loob ng kanyang silid habang visible sa mukha nya ang pagkainis sa sarili dahil naging mahina sya sa harapan ni Hale. Hindi nya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit hindi maganda sa pakiramdam nya ang natamong sugat ni Hale, mas hindi nya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit umiyak sya sa harapan nito na kahit anong pagpipigil ang gawin nya ay patuloy sa paglabas sa kanyang mga mata ang luha na naguguluhan sya kung para saan ang luha na 'yun. Matapos ang eksena na 'yun ay sya ang kusang lumayo sa pagkakayakap ni Hale sa kanya, mabilis nyang pinahid ang mga luha nya at inayos amg sarili sa harapan ni Hale. Wala syang makuhang salita nun na pwedeng ibato kay