Kapitulo Cinco

5272 Words
"Malapit na tayong bumaba sa airport nakabusangot parin ang maganda mong mukha, ngumiti ka naman dyan Ijuvab." Matalim na titig ang ipinukol ni Samara sa katabing lalaki na may malawak na ngiti na kanina pa nya gustong saktan pero pinigilan nya lang ang kanyang sarili. Kanina pa nya ito gustong singhalan pero pinipigilan nya ang kanyang bibig dahil sa kapatid nitong malakas ang instinct na kailangan nyang ingatan. Hindi nagka-taon kung bakit nasa terirtoryo sya ni Hale, sinadya nya ang lahat mula sa pagkakabangga nya para magkita sila hanggang sa pag apply nito bilang P.A nya. Lahat ng ginagawa nya mula ng makita sya ng binata ay naka align sa misyon nya na unti-unti nyang gagawin. Kailan nyang magawa ang misyon nya hindi lang para sa kanya kundi para sa pamilya nya. Kaya kailangan nyang pag tiisan ang pagsunod at pagiging alalay ni Hale kahit naiinis sya sa mga pinapakita nito na parang matagal sya nitong kilala. Mas naiinis sya dahil alam nyang nakikita lang nito sa kanya ang asawa nito na iniwan ang binata kaya ganito kumilos si Hale sa harapan nya. Hindi nga nya alam kung bakit may part sa kanya na magaan ang loob sa binata pero dahil lagi nyang iniisip ang misyon nya ay natatabunan nito ang kung anong wirdong nararamdaman nya. Ilang araw narin syang P.A ni Hale and true to his word, kaya lang kay Hale nya lang naa-apply ang pagiging P.A nya dahil ito lang daw ang boss nya na dapat nyang sundin. Inayawan din naman sya ni Nile dahil hindi naman daw nito kailangan ng P.A na kahit papaano ay naging pabor sa kanya dahil mas matutuon nya ang oras nya para magawa ang dapat nyang gawin. 'Yun nga lang kailangan nyang pag tiisan ang kakulitan ng binata at ang paglalandi nito sa kanya na lantaran nitong pinapakita sa kanya. "Pwede ba huwag mo kong kausapin, nananahimik ako sa kinauupuan ko kaya pwede ba huwag mo kong istorbohin!" inis na sita nya kay Hale bago inirapang ibinalik ang tingin sa bintana ng eroplanong sinasakyan nila papuntang pilipinas. Ilang beses nya ng sinabi kay Hale na hindi sya sasama sa pag punta ng magkapatid sa pilipinas pero hindi sya tinantanan ni Hale, desidido si Samara na hindi sumama pero ang binata ay bigla nalang ikinabit ang isang posas sa magkabila nilang kamay kaya kahit labag sa loob nya ay wala syang nagawa kundi ang magpakaladkad kay Hale. Hindi na nga nya binigyan pansin ang mga tao na tumitingin sa magkabila nilang kamay ni Hale na nakaposas dahil sa inis na meron si Samara sa binata. "Sungit ah! pag ganyan nagsusungit ka sa akin lalo tuloy akong nahuhumaling sayo. Kaunting pagsusungit mo pa lalandiin na talaga kita." malawak na ngiting pahayag ni Hale na poker face na muling ikinalingon ni Samara kay Hale at bahagyang itinaas ang kamay nilang nakaposas. Hindi alam ni Samara kung bakit ganito ang pinapakita sa kanya ng binata at naiinis sya sa bawat araw nang paglalandi nito sa kanya. "Badtrip na ako sa paglagay mo ng buwisit na posas na ito sa kamay ko kaya huwag mo ng dagdagan pwede? And as if naman na magpapalandi ako sa Boss ko, dream on." pahayag ni Samara na ibinaba na ang kamay nila at buntong hiningang sumandal sa upuan nya at inalis ang tingin kay Hale na hindi inaalis ang pagtitig sa kanya na kahit ramdam nya ang paninitig nito sa kanya ay hindi nalang nya pinansin. "Why you don't want to go in the Philippines? It's your hometown." sambit ni Hale na malamig na ikinangisi ni Samara "Hometown? I hate the fact that i'll step my feet on the hometown you said that i loathed the most." malamig na pahayag ni Samara na ikinasalubong ng kilay ni Hale Hindi inasahan ni Hale na maririnig nya sa dalaga ang pagkamuhi nito sa pilipinas na kung dati ay sobra nitong pinagmamalaki sa kanya. Alam nyang maraming nagbago sa dalaga pero hindi nya inakala na ganito kalaki ang pinagbago nito. Mas lalo tuloy gustong malaman ni Hale agad-agad kung may amnesia ba ang dalaga o may nangyari dito para magabago ito ng sobra sa inaasahan nya. At kung wala itong amnesia gustong malaman agad ni Hale kung bakit hindi sya nito nakilala. "You loathed the philippines? Why?" "Bakit ko naman sasagutin ang tanong mo? Mind your own business and please alisin mo na itong posas na 'to. Hindi ka ba nahihiya sa mga nakakakita nito?" sita ni Samara na nginisian lang ni Hale "Bakit naman ako mahihiya? Dapat nga silang mainggit dahil may magandang babae na nakaposas sa isang gwapong lalaki." sagot ni Hale na ikinailing nalang ni Samara at hindi nalang binigyan pansin si Hale at itinuon ang atensyon sa bintana. Balak nyang hindi nalang ito pansinin sa buong byahe nila pero dahil sa ginagawa nitong paghawak sa kamay nya na agad nyang tinatabig ay hindi nya magawang magkaroon ng katahimikan sa byahe nila kaya muli nyang pinukol ng masamang tingin si Hale na binigyan lang sya ng malawak na ngiti. "Pinipikon mo ba talaga ako SIR?" inis na sita ni Samara na biglang ikinaalis ng ngiti ni Hale at seryoso syang tinitigan. "I told you, huwag mong dagdagan ng kahit ano ang pangalan ko. My name just have a f*cking four letters bakit ba hindi mo ko matawag tawag sa pangalan ko?" pahayag ni Hale na bahagyanh ikinatahimik ni Samara dahil ramdam nya ang inis sa tinig ng binata Pansin nya na mabilis itong mainis pag hindi nya ito tinatawag sa pangalan nito, sinubukan nyang tawagin ito sa Sir ng ilang araw at lagi itong naiinis sa kanya. Lagi nitong pinagpipilitan na tawagin nya ito sa pangalan nito. Para kay Samara ngayon lang sya nakakita ng isang boss na ayaw patawag ng Sir kaya naguguluhan sya sa binata. "Simple lang ang sagot ko sa tanong mo Sir, boss kita at P.A mo ko. Napaka walang galang ko naman kung sa pangalan ko lang tatawagin ang boss ko, That's inappropriate to do Sir." plain na sagot ni Samara na kita nyang mas lalong ikinainis ng binata dahil sa pagsalubong ng kilay nito. "I'm you freaking boss Sam, if i tell you to call me by my name dapat gawin mo and i want you to f*cking call by my name and not the f*cking Sir!" inis na singhal ni Hale na masamang tingin ang pinukol ni Samara sa binata. "Huwag mo nga akong batasan! Oo amo kita pero wala sa job description ko na tawagin ka sa pangalan mo! Tsaka pwede ba Sir, don't give me a nickname." "Okay fine! Hindi kita babatasan. Gusto mo bang lumuhod pa ako sa harapan mo para lang tawagin mo lang ako sa pangalan ko? I'll f*cking do that if that's the way for you to call me by my name." seryosong pahayag ni Hale na akmang tatayo at gagawin ang sinabi nito ng mabilis syang higitin ni Samara pabalik sa pagkakaupo nito at malakas na hinampas sa braso nito. "Are you nuts?! Wala akong sinabi na lumuhod ka kaya wag mo kong daanin sa ganyan! Aish?!! Oo na sige na! tatawagin na kita sa pangalan mo kaya pwede ba manahimik ka na sa kinauupuan mo at tantanan mo ko!" asar na pahayag ni Samara na pinipigilan ni Hale na mapangiti sa harapan ng dalaga. "The do it, tawagin mo ko sa pangalan ko." "Huwag ka ngang atat, hintayin mo na tawagin kita sa pangalan mo. Masyado kang demanding kalalake mong tao." "I want to hear you call my name right now Sam, luluhod nalang talaga ako!" sambit ni Hale na muling babalaking tumayo na hindi na napigilan ni Samara ang pagka irita sa pinapakitang kakulitan ng binata "Pwede ba Hale bigyan mo naman ako ng katahimikan kahit sa byahe lang na 'to! Sasaktan na talaga kita kaya huwag mong ubusin ang pasensya ko!" bulyaw ni Samara kay Hale na nakikita nya ng nakangiti na umayos sa pagkakaupo nito. "See, hindi naman mahirap banggitin ang pangalan ko." ngiting sambit ni Hale na naiinis na sinamaan ng tingin ni Samara "Both of you, will you keep down your tone? Your not the only passenger in this f*cking flight so please behave in your seats. Stop flirting Kuya." sita sa kanila ni Nile na nakaupo sa unahan nila. Inis na iniwas ni Samara ang tingin nya kay Hale at bahagya pang tumagilid para hindi maabot ng paningin nya ang bulto ng binata dahil sa pagka inis nya para dito. Ngayon lang napikon si Samara dahil sa kakulitan ng isang lalaki, kung hindi lang dahil sa misyon nya naisip nya na hindi sya tatagal na kausap o kasama ang binata. "What passenger your talking about Nile? Tatlo lang tayo dito and it's our private plane." kumento ni Hale sa kapatid "What am i here Kuya? Am i not a passenger here? Give me a peaceful flight will you?" sermon ni Nile na ikinasilip ni Hale sa kinauupuan ng kapatid at tinapik ang balikat nito. "Sorry bro, namiss ko lang talaga." mahinang sambit ni Hale na ikinaungos lang ng kapatid nya bago inayos ang pagkakaupo nya sa upuan nya. Bahagya nyang sinilip si Samara na alam nyang napikon nya. Hindi nya lang talaga gusto na hindi sya nito tawagin sa pangalan niya, he really missed her calling him by his name at alam nyang mas magdidiwang ang puso nya kung muli syang tatawagin ng dalaga sa tawagan nila noon. Buntong hiningang umayos sa pagkakasandal si Hale sa upuan nya at hinayaan na lang muna si Samara. Mamaya nalang nya ulit ito kukulitin, gusto nyang masanay uli ang dalaga sa prinsesa nya at gusto nyang mapalapit itong muli sa kanya kahit na nagsusungit ito sa kanya. Ilang oras pa ang byahe nila sa himpapawid ng i-announce ng piloto nila na nakababa na sila sa lupa kung saan naghihintay ang kotseng maghahatid sa kanila papunta sa isang resort sa batanggas kung saan gaganapin ang kasal ni Paxton. Bukas ang araw ng kasal ni Paxton at nasabihan sila nito na naka reserved na ang kwartong tutuluyan nila ngayon hanggang bukas. Hindi nya alam kung anong magiging reaksyon ni Samara pag nalaman nito na dalawa lang ang kwartong nakalaan sa kanila. Dalawa lang ang binigay na kwarto ni Paxton sa hotel na tutuluyan nila, isa para kay Nile at ang isa ay para sa kanya kaya gusto nyang makita ang magiging reaksyon ng dalaga pag nalaman nitong matutulog ito sa kwarto kung nasaan sya. Alam nyang maiinis ulit ito sa kanya at sa tingin ni Hale nagugustuhan nya na ang ugali ng dalaga. Namimiss nya ang pagiging sweet nito sa kanya pero natutuwa sya sa pagsusungit nito. Naunang bumaba si Nile sa kanilang dalawa at dahil ayaw alisin ni Hale ang posas na nakakabit sa kanilang dalawa ni Samara ay nakita nya ang pagkainis sa mukha ng dalaga dahil nahihirapan itong maglakad pababa ng private plane nila kaya pinauna nya na ito kaya hila-hila sya ngayon ng dalaga pababa ng plane nila na nagugustuhan ni Hale. Walang imik ang dalaga na sumakay sa kotse na agad nyang tinabihan na ikinasama ng tingin ni Samara sa kanya. "Nanadya ka ba talagang buwisitin ako?" "Bakit ba ang sungit mo parin sa akin, wala naman akong ginagawa ah?" patay malisyang sambit ni Hale ng bahagyang tapunan ng tingin ni Samara ang malaking space nang upuan na ayaw ukupahan ni Hale dahil nakasiksik ito sa kanya dahilan para magkadikit sila ng sobra. "Ang lawak ng upuan hindi mo ba nakikita? Bakit ba kailangan mo kong siksikin ha?! Lumayo ka nga!" singhal ni Samara na malakas na tinulak si Hale dahilan para mapalayo ito sa kanya kaya malakas na napahigit ang kamay nilang may posas na bahagya nyang ikinangiwi. "Aww. . ." "Sh*t!" mahinang mura ni Hale ng mariniy nya ang pagdaing ni Samara kaya agad nyang hinawahan ang kamay nitong nakaposas sa isa nyang kamay at sinuri ito. "Masakit ba?Damn Ijuvab, i'm sorry." paghingi ng despensa ni Hale na hindi inaalis ang tingin sa kamay ni Samara na bahagyang ikinatigil nito at ikinatitig kay Hale na kita nyang may pag aalalang nakatingin sa kamay nya. Ilang beses na kumurap si Samara habang nakatingin kay Hale, hindi nya alam kung bakit ganito ito mag alala sa kanya. Nakatitig lang sya sa mukha nito kaya napagmasdan nya ang gwapo nitong mukha. Biglang pumasok sa isipan ni Samara kung bakit ito iniwan ng babaeng mahal nito. Nakikita nya na ito ang klase ng lalaking gugustuhing makasama ng isang babae. Naisip ni Samara kung isa lang syang simpleng babae at walang misyon sa binata na dapat gawin ay baka nagustuhan nya ito. Mabilis na iniwas ni Samara ang tingin nya kay Hale dahil sa mga pumasok sa isipan nya, hindi nya alam kung bakit kailangan nyang isipin 'yun kaya marahan nyang binawi ang kamay nya kay Hale na ikinabitaw nito sa kanya at alam nyang ikinalingon nito sa kanya. "Huwag ka kasing masyadong malapit sa akin, tantanan mo ko sa panlalandi mo at please lang huwag ako. Alisin mo na rin itong posas na 'to dahil naiinis na talaga ako." pahayag nya habang hindi nakatingin kay Hale na rinig nyang bumuntong hininga. Wala namang pake si Nile sa dalawa, nakikinig lang sya sa headset nya at tahimik na naghihintay sa pagdating nila sa resort sa batangas. "Pasensya na, pasensya na dahil hindi ko iiwasan na landiin ka lalo na pag sinusungitan mo ko ng ganyan, mas lalo akong nahuhumaling. Huwag kang mag alala, bahagyang landi lang naman ang ginagawa ko dahil wala pa akong abiso mula sayo. Entertain me and i'll give more of my flirty side, sayo ko lang ipapakita 'yun, exclusively just for you Ijuvab." pahayag ni Hale na akmang sisinghalan ni Samara ng matigilan sya ng matanggal na ang posas na nakakabit sa kanilang dalawa. Nilingon nya si Hale na malawak na nakangiti sa kanya bago sumandal sa kinauupuan nya at pumikit. "Nakakapagod talagang bumiyahe, i'll take a nap for a minute. Gisingin mo ko Ijuvab pag nakarating na tayo sa destinasyon natin ha." pahayag ni Hale na ikinaalis ng tingin ni Samara sa binata Hindi maunawan ni Samara kung bakit ganito ang pakikitungo ni Hale sa kanya, napapansin nya na parang sanay ito sa presensya nya. Na parang may gusto ito makita mula sa kanya. Hahayaan nya nalang ang ginagawa ng binata pero naiinis sya sa isiping nilalandi sya nito dahil naalala nito sa kanya ang babaeng mahal nito na iniwan sya. Hindi alam ni Samara pero ayaw nyang tingnan o isipan sya ni Hale na parang sya ang babaeng nang iwan dito. "Can you hold my hand Ijuvab?" sambit ni Hale na hindi napigilang ikalingon ni Samara sa binata na nakapikit parin. "Stop calling me Ijuvab will you?" "Natatakot akong pagmulat ko wala ka na ulit sa tabi ko, please hold my hand. Gusto kong makita ka pag gising ko mamaya." sambit nito na nahimigan nya ang takot sa boses nito na ikinakunot ng noo nya Hindi nya maintindihan ang sinasabi ng binata, hindi nya alam kung bakit nasasabi nito o naiisip na hindi sya nito makikita pag gising nito dahil wala syang maisip na dahilan para umalis dahil may misyon syang dapat gawin. "Wala naman akong pupuntahang iba, isa pa nasa rule mo na dapat nasa tabi mo lang ako diba kaya bakit ako aalis. Bawasan mo pa sasahurin ko." sagot ni Samara ng mapatingin sya sa kanang kamay nyang mahigpit ng hawak ni Hale "Bitaw ng---" "Don't let go okay?Dyan ka lang sa tabi ko Sam, just like before Ijuvab. Stay beside me, don't leave me again. . . please. . ." sambit na pahayag ni Hale na kita nya ng ikinagaan ng paghinga nito hudyat na nakatulog na ito habang nakahawak sa kamay nya. Gustong alisin ni Samara ang pagkakahawak ni Hale sa kanyang kamay pero ayaw kumilos ng kamay nya para tabigin ito. Nasa isip nya na alisin ang kamay nya sa pagkakahawak nito pero ayaw ng katawan nya na hindi nya maintindihan. Buntong hiningang walang nagawa si Samara kundi hayaan nalang ang kamay ng binata na nakahawak sa kanya. Binaling nya ang tingin nya sa bintana ng matigilan sya ng maramdaman nya ang marahang pagbagsak ng ulunan ni Hale sa balikat nya. Hinawakan ni Samara ang ulunan ni Hale para alisin ito sa balikat nya ng matigilan sya dahil parang may naramdaman syang kakaiba na agad nyang ikinabitaw sa ulunan ni Hale. Hindi nya maintindihan kung ano ang naramdaman nya pero pakiramdam nya parang pamilyar iyon sa kanya na pilit nalang syang iniwawaksi sa isipan nya at hinayaan nalang si Hale na matulog sa balikat nya. Inabala nya nalang ang sarili nya sa byahe at hindi nya namalayan ang pagpikit nya at pag agaw ng antok sa kanya. Ilang oras ang naging byahe nila Hale ng dahan-dahan syang magmulat at agad bumagsak ang tingin nya kay Samara na natutulog na sa balikat nya. Nilingon nya ang kamay nilang magkahawak parin na ikinangiti nya, akala nya pag gising nya ay inalis ng dalaga ang pagkahawak nya sa kamay nito. "You awake already?" Agad napalingon si Hale kay Nile na nakatingin sa kanya mula sa rear mirror na mukhang naghihintay sa pag gising nya. "Are we arrive already?" tanong nya na ikinatango ni Nile "We arrived one hour ago so yeah, let's go out and let's check in inside." sambit ni Nile na agad lumabas ng kotse at nauna ng naglakad papasok sa loob ng resort. Ayaw mang gisingin ni Hale si Samara ay wala syang nagawa kundi tapikin ang pisngi nito at malambing na tinatawag ang dalaga. "Hey Ijuvab, gising na. . . " Naramdaman nya ang pag kilos ni Samara at ang dahan-dahan nitong pag gising na agad inilingon ang paningin sa katabing bintana nya. "Nakarating na ba tayo?" tanong ni Samara kay Hale "Isang oras na daw tayo nakarating sabi ni Nile, nauna na syang pumasok sa loob. Sunod narin tayo o gusto mo pang matulog dito sa loob kasama ko?" pahayag ni Hale na agad ikinabitaw ni Samara ng makita nyang magkahawak kamay parin sila ni Hale na bahagyang ikinangiti ni Hale "Isang oras na pala tayong dumating bakit hindi mo ko ginising agad." sita sa kanya ni Samara na inayos ang buhok na bahagyang nagulo "Kakagising ko lang din tsaka ang sarap ng tulog mo sa balikat ko kaya nagdalawang isip pa ako kung gigisingin kita." ngiting pahayag ni Hale na sinamaan ng tingin ni Samara bago inirapan at nauna na sa kanyang lumabas sa kotse. Nangi-ngiting lumabas na rin si Hale at kinuha gamit nila ni Samara bago sinundan ang dalagang nauna na sa kanya sa loob ng resort. Palapit palang sya sa reception ng resort ng marinig nya na si Samara na umaangal sa harapan ni Paxton kaya binilisan nya ang paglapit sa dalawa. "Paanong wala akong kwarto Mr? Kasama ako nina Sir Nile hindi ba nila nasabi sa inyo?" naguguluhan tanong ni Samara na nahihimigan ni Hale ang inis sa boses nito. "Sorry Miss pero wala namang sinabi sa akin ang dalawang gago na 'yun na may kasama pala silang babae. Hindi ba dapat kina Santileces ka umangal at hindi sa akin Miss?" sambit ni Paxton na akmang ikakaangal ni Samara ng sumulpot na sa harapan nila si Hale na may malawak na ngiti. "Yow lover boy! Malapit ka ng maging understanding ah, papatali ka na ba talaga?" pahayag na bati ni Hale na poker face na tinitigan ni Paxton. "Isa kang gago Santileces, bakit hindi mo sinabi sa akin na may bibitbitin pala kayo ni Granzore na kasama? Occupied na lahat ng mga kwarto sa hotel na 'to kaya saan mo patutulugin ang kasama nyo?" sitang singhal ni Paxton kay Hale na ngiting binalingan si Samara na masama lang ang tingin sa kanya. "Nakalimutan namin ni Nile na banggitin sa'yo Ignacio. Nawala sa isipan namin, naging busy kasi si Nile sa pinagawa ni Papa sa kanya at ako busy sa kanya." sagot ni Hale na ikinakunot ng noo ni Paxton "Teka paano mo nalaman na kasama namin sya?" baling na tanong ni Hale kay Paxton "Tinuro sya sa akin ni Granzore bago sya pumasok sa loob at pumunta na sa kwarto nya. Huwag mong baguhin ang tanong ko Santileces, saan mo patutulugin ang binibini na 'to?" "Syempre sa kwarto ko, i don't mind sharing my room with my Ijuv---" "Hangal ka ba?! Bakit sa kwarto mo ako tutulog?Nahihibang ka ba Hale?! Hindi ako papayag na sa iisang kwarto lang tayo tutulog." inis na angal ni Samara na ikinailing ni Paxton sa dalawa. "I'm sorry miss pero wala kang choice, wala ng vacant room na maibibigay sayo dahil okupado na ng ibang bisita sa kasal ko at ng mga kaibigan ko ang lahat ng kwarto sa hotel na 'to. May isang kwartong natira sa third floor pero ini-reserved 'yun ng hotel sa isang tao. Kung ayaw mong makasama ang tangnang Santileces na 'to sa isang kwarto, magbato-batopik nalang kayo kung sino ang gagamit ng kwarto. Second floor room 506 ang kwarto nyo, Ciao!" pahayag ni Paxton na iniwan ang dalawa sa reception kaya masamang tingin na hinarap ni Samara si Hale "Isinama mo ko dito sa pilipinas pero nakalimutan mo naman na dapat may kwarto din akong tutulugan pagdating dito!Sinasadya mo ba 'to?" "Hindi ko sinasadya 'to Ijuvab, nakalimutan ko talaga na sabihin kay Ignacio na tatlo tayong pupunta dito, tsaka naging busy naman talaga ako sayo ng ilang araw kaya mas hindi ko naalala na ipagreserve ka ng kwarto." ngiting paliwanag ni Hale na mas lalong sinamaan ng tingin ni Samara "There's no way na sa iisang kwarto lang tayong dalawa! Hindi ako papayag!?!" "So anong gagawin mo? Hindi naman ako pwedeng magparaya dahil ako ang may kakilala sa ikakasal, hindi ko rin naman hahayaan na matulog ka sa labas kaya sa ayaw at sa gusto mo share tayo ng kwarto. Let's go Ijuvab." malawak na ngising pahayag ni Hale na naririnig pa ni Samara na may sinasabi ito Naiinis si Samara sa isiping magkakasama sila ni Hale sa iisang kwarto, ang magkatabi na nga lang sa upuan ay labis na sa kanya at ngayon sa iisang kwarto pa sila matutulog. Iniisip ni Samara na sinasadya ni Hale na asarin sya, kaya kahit labag sa loob nya at kahit umangal pa sya wala syang magagawa kundi tiisin na makasama sa iisang kwarto ni Hale. Bad mood na pumasok na sa loob si Samara ng makita si Hale na nakatayo at mukhang inaantay sya. "Akala ko di ka pa papasok dito sa loob eh, tara na excited na akong makita ang kwarto nating dalawa." ngising pahayag ni Hale na halatang iniinis lang sya. Naglakad na si Hale papunta sa elevator na sinundan ni Samara at kung natutunaw lang ang pagtitig baka kanina pa natunaw ang likuran ni Hale dahil sa masamang tingin na pinupukol ni Samara sa kanya. Nakasakay na sila sa elevator at kita ni Hale ang pagka inis sa mukha ng dalaga. "Huwag kang sumimangot, marunong ka naman sigurong ngumiti diba?" puna ni Hale kay Samara na tinapunan sya ng masamang tingin. "Sinong hindi sisimangot kung kasama kong matulog sa iisang kwarto ang boss ko? Baka nakakalimutan mo na babae ako?" "Kung iniisip mo na gagapangin kita sa gabi huwag kang mag alala, kaya kong kontrolin ang sarili ko." ngiting sagot ni Hale na kinindatan pa si Samara na naasar na ikinatawa nito Hindi nalang pinansin ni Samara si Hale hanggang sa makarating sila sa kwarto nila. Malaki ang kwartong tutulugan nila at bumagsak ang tingin nya sa king size bed malapit sa glass wall kung saan kita ang dagat ng resort na kinalalagyan nila ngayon. Nakikita nya ang araw na mapalit ng lumubog ng mapalingon sya kay Hale ng iabot nitoc sa kanya ang gamit nya. "You'll sleep in the bed sa sofa naman ako, siguro naman magiging panatag ang loob mo na hindi kita gagapangin." pahayag ni Hale sa kanya "Gawin mo man 'yan asahan mong babalian kita ng buto, subukan mo lang." banta ni Samara bago naglakad palapit sa kama at umupo doon na ikinangiti nalang ni Hale. Sumapit ang gabi ay nagpasyang hindi nalang lumabas si Samara sa kwarto, naglinis na sya ng katawan nya at nagsuot ng pantulog at inihanda ang sarili sa pagtulog. Kanina pa lumabas si Hale at nagapaalam sa kanya na makikipag usap lang sa lalaking kausap nya kanina. Sabit lang naman sya sa kasal ng kaibigan ni Hale kaya minabuti nya nalang na manatili sa kwarto. Magre-ready ng matulog ng maaga si Samara ng tumunog ang cellphone nya na agad nyang sinagot. "Hello!" (Već mislite da plan za svoju misiju?) "Još nisam, moram napraviti dobar plan za svoju misiju. To nije tako lako." sagot ni Samara na pabagsak na humiga sa kama (Planirajte ga odmah, Morate brzo obaviti svoju misiju.) "I will Marić." Ibinaba na ni Samara ang cellphone nya ng mawala na sa kabilang linya ang katawagan nya. Itinuon ni Samara ang atensyon nya sa kisame at umikot ang isipan nya sa misyon na kailangan nyang gawin. Totoo na wala pa syang maisip na plano na dapat gawin, nahihirapan din sya dahil kailangan nyang maging maingat upang hindi sya mabuko. Kailangan nyang paghandaan ang mga dapat nyang gawin para hindi sya pumalpak. Naputol ang pag iisip ni Samara ng bumukas ang pinto at pumasok si Hale na deretsong pabagsak na umupo sa sofa at isinandal ang ulo doon. Sinilip ni Samara ang orasan na nakakabit sa kwarto nila bago muling nilingon si Hale sa kinauupuan nito. "Bakit ang aga mong bumalik? Seven palang at mag iisang oras palang nung umalis ka." puna nya sa binata na tinapunan sya ng tingin "Namiss kita agad kaya kaunting pang aasar lang ang ginawa ko kay Ignacio bumalik na agad ako dito." sagot ni Hale sa kanya na inirapan nya lang "Pwede bang tigilan mo na ako sa mga panlalandi mo. Ang daming babae dyan kaya huwag ako." "Ikaw lang naman ang gusto ko bakit hahanap ako ng ibang babae?" sagot ni Hale na salubong ang kilay na ikinabalik nya ng tingin sa binata na matamang nakatitig sa kanya "Dahil ba kahawig ko ang babaeng nang iwan sayo kaya ako ang pinag titripan mo?" deretsahang tanong ni Samara na bahagyang nakangiting ikinailing ni Hale "Nah, dahil ikaw lang talaga ang gusto ko. Ikaw lang talaga at wala ng iba." Hindi alam ni Samara kung bakit biglang nag iba ang pakiramdam nya dahil sa mga sinasabi ni Hale kaya agad nyang iniwas ang tingin nya sa binata at agad kinumutan ang sarili at agad na tinalikuran ang binata na rinig nyang bahagyang natawa sa ginawa nya. "Bakit ba ang sungit mo sa akin? We can be friends with benefits naman diba?" rinig nyang pahayag ni Hale na alam nyang inaasar lang sya nito kaya hindi nalang sya umimik. Ilang minuto na naging tahimik ang buong kwarto kaya akala ni Samara nagdesisyon ng matulog si Hale pero akmang titihaya sya ng higa ng matigilan sya ng marinig nya ulit ang boses ni Hale "Bumalik ka nga pero malayo naman sa akin, abot kamay nga kita pero hindi naman kita mahawakan. Babaliwin mo ba talaga ako sa pagkasabik ko sayo?" Hindi malaman ni Samara kung sino ang tinutukoy ni Hale sa mga sinasabi nito. May part sa kanya na gusto nyang lingunin ang binata pero pinigilan nya ang sarili at pinilit nalang na matulog. Kinaumagahan, araw ng kasal ng kaibigan ni Hale at nakikita na naman niya na masama na naman ang mood ni Samara habang nag aayos sa ng buhok sa harapan ng salamin. Maganda ang dalaga sa simpleng suot nito na mukhang hindi naalis sa dalaga. Hindi ito sanay magbihis ng maganda at gusto lang na maging simple na pabor naman sa kanya. Nakaayos na din si Hale at hinihintay nalang matapos si Samara sa pag aayos nito ng mapahawak sya sa balakang nya na napasama ng bagsak dahil sa pagkakahulog nya sa kama dahil sa pagsipa ni Samara sa kanya. Nagising kasi ang dalaga na katabi sya nitong matulog at nakayakap pa sa bewang ng dalaga na ikinahiyaw nito at mabilis na ikinasipa nito sa kanya dahilan kung bakit nahulog sya sa kama at sumasakit ang balakang nya ngayon. Ang plano lang ni Hale ang pagmasdan buong gabi ang dalaga habang natutulog pero hindi nya napansin na nakatulog na sya sa tabi nito. Naiiling at nangingiti nalang si Hale dahil sa bagong ugali ni Samara pagdating sa kanya. Hindi nalang nya pinansin ang p*******t ng balakang nya ng makita nyang nakatayo na sa harapan nya si Samara na may masamang tingin sa kanya. "Bakit kailangan ko pang sumama sa kasal ng kaibigan mo? Pwede naman akong maiwan dito sa kwarto." "Bakit ba gusto mong magkulong dito eh ang ganda ng tanawin sa resort na 'to? Isa pa, hindi ko kayang malayo sayo ng matagal kaya isasama na kita and remember my rules Ijuvab." pahayag ni Hale na ikinaungos lang ni Samara bago naunang naglakad palabas ng kwarto sa kanya na agad nyang sinundan. Pagbukas nila ng pinto nakita nila si Nile na nakasandal sa pader at naghihintay sa paglabas nila. "Morning my little brother!" ngiting bati ni Hale kay Nile na seryoso lang na nakatingin sa kanya "Ignacio ang his friends are already in the venue, let's go." aya nito bago umalis sa pagkakasandal bago naglakad na agad sinundan nina Hale. Naglalakad na sila sa pasilyo ng hotel habang napapansin ni Hale na hindi parin nawawala ang pagsimangot ni Samara na akmang pupunahin nya ng may tumawag sa kanila na ikinalingon nila dito. "Yow Santileces and Granzore! Akala ko hindi kayo makakadalo sa kasal ni Ignacio dahil matapos ang mga nangyari ay umuwi agad kayo sa bansa nyo." pormal na bati ni Demon sa kanila na bahagyang ikinatawa ni Hale "Hindi kasi makatiis si Ignacio na hindi kami makadalo sa kasal nya. Pinagbigyan na namin baka isumpa kami eh." pahayag ni Hale na kita nyang idinako ni Demon ang tingin nya kay Samara na nakasimangot parin. "A girl with you both eh, kanino 'yan?" ngising tanong ni Demon sa kanila na tinapunan ng masamang tingin ni Samara kay Demon. "Kung iniisip mo na karelasyon ko ang isa sa dalawang 'to, your mistaken Mr, Personal Assistant lang nila ako at wala akon--ANO BA!" mataray na singhal ni Samara sa kanya ng alisin nito ang pag akbay nya dito at sa kanya naman itinuon ang masamang tingin na kanina lang ay kay Demon pinupukol. "His mine Mondragon, forever kalandian ko ayaw pa kasing pumayag na i-entertain ang pagsintang pag irog ko." malawak na ngiting pahayag ni Hale na naiiling na ikinalakad na palayo ni Nile. "Hindi ako pumapatol sa malandi!" singhal ni Samara sa sinabi ni Hale bago ito naman ang sunod na umalis at inwan si Hale at Demon na halatang hindi inasahan ang nasaksihan "What was that Santileces?" "Don't mind us but to clarify things Mondragon, My Ijuvab is mine and mine alone get that." ngising banta ni Hale na ikinatawa lang ni Demon "Your f*cking inlove Santileces!" punang kumento ni Demon sa sinabi nya na sabay na nilang ikinalakad palabas ng Hotel "Matagal na Mondragon." sagot ni Hale na naiiling na ikinatapik ni Demon sa kanya. *TRANSLATION* already think a plan for your mission? - Već mislite da plan za svoju misiju? Not yet, i need to make a good plan for my mission. It's not that easy. - Još nisam, moram napraviti dobar plan za svoju misiju. To nije tako lako Plan it immediately, You have to do your mission quickly. - Planirajte ga odmah, Morate brzo obaviti svoju misiju.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD