03

1525 Words
3rd Person's POV; "Aahh!" "Anong nangyayari?" Tanong ng binatang si Arkhon ng may magreport sa kanya na nagkakagulo ang Engineering department. "Sinira po kasi ang buong kwarto president, pati yung white board." Sumbong ng isa sa mga estudyante ng makita ang loob ng classroom. "Siguradong ang Redtape ang may gawa nito president." Ani ng isa sa mga estudyante na kinalingon ni Arkhon. "Oo nga sila lang naman ang mahilig manira dito." Sang-ayon ng ilan pang estudyante. "Hindi kayo pwedeng mambintang ng walang sapat na basehan." Kalmadong saway ng binata matapos pumasok sa classroom at makita ang mga pulang pintura na nakaguhit sa buong classroom. "Tatak ng Redtape ang mga simbolo na nasa pader, siguradong ginawa nila ito pagkatapos ng klase." "Ano bang sinasabi niyo?! After class kasama ko si Cross at inantay pa niya ako buong period sa labas ng classroom ko." Pagdedepensa ni Alica na bigla na lang tinulak yung mga estudyanteng nakahara sa pinto. "Masyado niyong binibigdeal ang ganitong pangyayari, wala naman sigurong nasaktan." Ani ng binata bago nakapamulsahang tiningnan ang mga estudyante na nasa labas. "President, anak ng may ari ng C-lite si Cross ... andun na kami, pero hanggang kailan kami mag- aadjust sa ugali niya? Puro kaguluhan na lang ang dala niya dito at taon- taon ginagawa niya ito." "Oo nga president, nagbabayad ng tama ang pamilya namin ... hindi naman siguro kami dito pinasok ng parents namin para lang paglaruan ng isang Acosta." -- "Vandelism sa Engineering department?" Ulit ni Haru ng ipatawag sila ni Arkhon sa student council office. "May ginawa ba tayong ganun?" Tanong ni Percy matapos lingunin si Cross na nakasandal sa pintuan ng opisina at pinaglalaruan ang lalagyan ng mint na hawak. "Masyadong immature, nakakahiya yan para sa grupo." Nakangiwing komento ni Iggy. "Iba ang definition samin ng Vandelism, pinasasabog namin ang building." Sabat ni Chase na kinatawa ni Percy bago makipag apir sa kaibigan. "Don't tell me Arkhon iniisip mo talagang kami gumawa nun?" Gusot ang mukhang sambit ni Haru. "No, not like that iba ang iniisip ko." Sagot ni Arkhon bago umayos ng upo at sumandal sa swivel chair. "Kilala ko kayo at ang gago niyong leader hindi kayo gagawa ng ganun kababaw na panggugulo." Hirit ni Arkhon na kinangiwi ng apat. "Kung sino man ang hayop na yun ... papatayin ko talaga siya tangna ang laking kahihiyan yun para sa grupo." Walang emosyong sabat ni Cross na kinatingin nina Arkhon. "Cross, kumalma ka lang hindi---." "Putangina niya, kung pinasabog niya ang buong building matutuwa pa ako, baka ipasok ko pa siya sa grupo." Putol ni Cross na muntikan ng ikahulog ni Arkhon sa kinauupuan na kinakamot ni Haru sa pisngi. "Tangna." "Whoo! The best ka leader." Arkhon Asuncion's POV; Napaungol ako ng mahina ng maramdaman kong gumagalaw ang lamesa kung saan ako nakayuko para matulog. "Oy Arkhon." Napakunot ang noo ko at napaangat ng tingin ng marinig ko si Devil. Nakaangat ang isang paa niya sa table ko habang nakapamulsahang nakatingin sa akin at mukhang yun ang ginamit niya para ugain ang lamesa ko. "Anong problema mo?" Nakataas ang kilay na tanong ko matapos ko tabigin ang paa niya sa table ko at umayos ng upo. "Anong problema ko? Itanong mo sa mga teacher na pinage lang naman ang buong pangalan ko sa speaker ng buong campus dahil sa punyetang prinsipe na kung matulog daig pa ang buntis na babae." Pikon na sambit ni Cross na kinatingin ko sa mga classmate ko na nag aalalang nakatingin sakin. "Pasensya na hindi lang talaga maganda pakiramdam ko." Nakangiting sambit ko na kinapula ng pisngi ng mga kaklase kong babae ng tingnan ko sila. "Fine." Ani ko bago tumayo at humakbang para umalis pero bago ako makalampas bahagya akong yumuko para bumulong kay Cross. "I'm a prince yeah, but being pregnant by someone is not my phase ... pero pwede naman ikaw ang buntisin k--- f**k!" Mura ko at napaubo ng umigkas ang kamay ni Cross at suntukin ako sa sikmura na kinangiwi ko dahil medyo bumigat ang kamay niya at talagang sumakit. Kung hindi lang ako immune sa mga suntok niya baka bumagsak na ako. "f**k you Arkhon, I'll make you pay for this next time." May diing sambit ni Cross bago ako talikuran at umalis. Tangna ang liit liit na tao ang bigat ng kamay, now I know kung bakit tatlong suntok lang ni Cross sa mga kalaban niya nag iisang buwan na sa hospital. "President ayos ka lang?" Tanong ng isa sa mga estudyanteng umalalay sakin na kinangiwi ko. "Ayos lang naman ako." I give her reassuring smile bago umayos ng tayo at naglakad palabas. Napahawak ako sa ulo ko ng bahagyang pumitik ang sintido ko dahil mukhang nasobrahan nanaman ako sa pagtulog. Dahil sa medyo hilo pa ako ng makarating ako sa hagdan umupo ako sa isa sa mga baitang at binigyan lang ng konting ngiti ang mga estudyanteng dumadaan na binabati ako tuwing nakikita. Tahimik lang ako habang hinihilot ang sintido ko ng may makita akong can ng black coffee at pares ng sapatos sa harap ko. "Inumin mo yan then dadaan tayo mamaya kay tita Cherry." Napaangat ako ng tingin ng makita ko si Cross. "Hindi naman na kailangan, medyo stress lang ako nitong nakaraang araw at pagod." Sagot ko matapos kong kuhanin yung can ng black coffee na inaabot ni Cross at buksan. Medyo mainit pa kaya natutuwa akong ininom yun. "Wag ka ng makipagtalo Arkhon kung ayaw mo kaladkarin pa kita palabas ng university." Bored na sagot ni Cross na kinatingin ko ng umupo siya sa kabilang bahagi ng inuupuan kong baitang ... ilang pulgada ang layo sakin habang kinakalog ang hawak nitong lalagyan ng mint. "Lahat na lang ba ng bagay dadaanin mo sa sapilitan?" Tanong ko. "I'm not the type of guy with a million words Arkhon, kaya swerte mo na lang kung makakuha ka ng pangalawang salita sakin ng hindi ka sinasaktan." Banat ni Cross na kinangiwi ko. Nanahimik na lang ako habang iniinom ko ang black coffee ng mapansin kong lumipas ang ilang minuto walang Redtape na sumusulpot kung saan. "Nasaan mga kagrupo mo?" Tanong ko ng mapansin na pati si Haru wala. "Wag mong hanapin ang wala baka magpakita." Sagot ni Cross na kinalingon ko sa kanya. "Wag mong sabihing may pinagawa ka nanamang kalokohan?" Ani ko na kinatingin niya sakin. "Wala ka bang tiwala sakin?" Tanong ni Cross na kinapokerface ko. "Wala." Sagot ko. Hindi ko alam kung ako lang o talagang inismidan niya ako. "Maghanap ka ng kausap mo." Banat ni Cross bago tumayo at naglakad pababa ng hagdan. "Oy! Teka sabi mo pupunta tayo kay tita Cherry!" Sigaw ko bago natatawang bumaba at sundan si Cross. "Cross!" Sigaw ko bago mabilis na lumapit kay Cross at nginitian ang mga estudyanteng bumabati sa akin. Malapit ko ng malapitan si Cross ng may maramdaman akong nakatingin kaya napalingon ako sa pinakafountain hindi kalayuan sa building namin. Mapuno ang bahaging yun pero nararamdaman kong may nakatingin sa akin at nanggagaling yun duon. "Anong problema?" Napatingin ako kay Cross ng nasa harap ko na siya at nakapamulsahang nakatingin sa lugar na tinitingnan ko kani- kanina lang. "Wala, wierd lang pero parang may nakatingin talaga sakin doon kanina." Sagot ko. "So? Ito lang yung unang pagkakataon mo na naramdaman mong may sumusunod sayo." Ani ni Cross na kinakunot ng noo ko. "What do you mean by that?" Tanong ko pero hindi siya nagsalita at magsasalita pa ako ng---. "Cross mylove! Andito ka lang pala." Napatingin ako kay Alica ng lumapit ito kay Cross at yumakap. "Hi kuya andito ka din pala--- wait Cross anong ginagawa mo dito? Sa kabila ang building mo diba?" Tanong ni Alica matapos magpabalik- balik ang tingin sa amin. "Pinaging ang pangalan ko dahil itong kuya mo hindi nanaman nagising." Ani ni Cross bago tanggalin ang kamay ni Alica sa braso niya at humarap sa amin. "Oww oo nga narinig ko din yun kaya pala pinatatawag ka sa teacher office anyway, Cross date tayo." Yaya ni Alica. "Alica babae ka pa din bakit ikaw ang nagyaya ng da---." "Nyenye kuya Arkhon, future husband ko si Cross anong masama kung maglambing ako." Putol ni Alica bago yakapin ulit ang braso ni Cross. "Hindi ako pwede ngayon pupunta kami ni Arkhon kay Tita Cherry." Bored na sagot ni Cross bago kumalas sa pagkakayakap ni Alica. "Ha? Teka bakit kayo pupunta? May sakit ka Cross?" Nag aalalang tanong ni Alica matapos sapuin ang noo ni Cross na kinapokerface ko. "Alica ako ang may sakit, tapos si Cross pa inaalala mo? Sino ba sa amin ang kuya mo =_=." Ani ko na kinanguso ng kapatid ko. "Siyempre ikaw kuya, mahal naman kita pero mas mahal ko si Cross hihi." Parang nangaasar na sagot ng kapatid ko. "Siyempre kuya joke lang yun hihi, pero bakit kasama si Cross? Wala kang sasakyan kuya?" Tanong ni Alica na kinasapo ko sa noo. Minsan nagdududa na talaga ako kung kapatid ko ba talaga ito si Alica. Masyadong obsses kay Cross to the point na nakakalimutan na ako. "May kukuhanin din ako kina Tita kaya sabay na kami, bukas na lang Alica." Medyo kalmadong sagot ni Cross na kinahaba ng nguso ng kapatid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD