bc

The PROXY Groom

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
contract marriage
family
fated
opposites attract
confident
sweet
bxg
office/work place
lies
like
intro-logo
Blurb

It is every woman’s dream to marry the man they love. That’s why Maxine Hidalgo is so happy because this dream will come true in just a week. But a few days before her wedding, the man she was going to marry suddenly disappeared.

Now, it will be a big shame for her that her marriage couldn’t go through. And of all the person who can discover about her problem is her rival at work, Roman Estillore. So, she expected him to mock and laugh at her misery. But the opposite of what she expected happened, Roman offered to help her.

Where Roman will be her groom in her upcoming wedding.

chap-preview
Free preview
CHAPTER1
Kabadong pinagdaop ko ang aking mga palad bago dahan dahan na tinignan ang bagong pinost sa bulletin board ng mga HR kanina. Inilagay kasi roon ang pangalan ng mga empleyado na maaaring mabigyan ng promotion sa taong ito. At bilang isa sa matatagal na empleyado na may magandang accomplishment ay umaasa ako na mapili sa isa mga kandidato. “O.M.G.!” biglang malakas na hiyaw ni Janine bago ako malakas na niyugyog sa aking kanang braso, “Nandito ang pangalan mo, Maxine! Napili ka! Ma-pro-promote ka na!” Sa hinayag na iyon ni Janine ay halos mapigil ko ang aking hininga. Pagkatapos ay dali dali ko na hinanap ang aking pangalan sa mga nakalista sa bulletin board. Hanggang sa hindi nagtagal ay nakita ko na nga ang pangalan ko sa mga napili. Dahil doon ay nanginginig na napatutop ako ng kamay sa aking bibig. Sa oras na ito ay talagang hindi mapaglagyan ang saya ko. Dahil sa wakas ay nasuklian na rin ang ilang taon na pagtra-trabaho ko sa Kentz Corporation. “Ikaw na talaga, Maxine!” muling papuri sa akin ni Janine, “Bakit ba ang swerte swerte mo? Babae ka! Mag-share ka naman ng kaunting blessing sa akin.” Malapad na napangiti naman ako dahil sa sinabi na iyon ni Janine. Aaminin ko na sa sandali na ito ay pakiramdam ko nasa akin na ang lahat ng swerte sa mundo. Dahil tila nagging sunud sunod ang biyaya na natatanggap ko. “Ano ka ba? Hindi naman swerte ang lahat ng iyon,” nahihiyang pagkontra ko na lamang sa sinabi niya, “Pinaghirapan ko rin naman makamit ito ‘no. Kaya deserve ko rin naman ng promotion.” “Kahit na… Hindi lahat ay makakamit ang mayroon ka. Tsaka sino kaya ang hindi maiinggit sa iyo ha? Tignan mo may mapagmahal kang boyfriend at next week ay ikakasal na kayo,” medyo naiinggit na sambit ni Janine, “Tapos napakalaki pa ng chance na ma-promote ka. Ikaw na talaga.” Ngunit agarang naputol ang usapan namin na iyon ni Janine nang may nakabangga sa likuran ko. Paglingon ko ay nakita ko sa aking likuran ang lalaking pinaka-hindi ko gustong makita sa opisina. Ito ay walang iba kundi si Roman Estillore. Hindi naman sa galit ako sa kanya dahil sa may atraso siya sa akin o may hindi kami magandang nakaraan. Sadyang ayoko lang sa kanya. Dahil hindi ko matanggap na lagi niya ako nauungasan sa aming trabaho. Lahat ng magagandang proyekto ay napupunta sa kanya. Idagdag pa na laging pinakukumpara kaming dalawa ng aming boss. Kaya para sa akin ay isang malaking kamalasan na nakasabayan ko siya nang matanggap sa kompanya. Dahil dito ay laging idinidikit tuloy ang pangalan ko sa kanya. Dahil sa hindi ko inaasahan na makikita siya ay yamot na naghalukipkip ako ng aking braso at sinimangutan siya. “Nanadya ka ba?” hindi ko natutuwang sambit at pinagtaasan pa siya ng kilay, “Hindi mo ba nakikita na nandito kami?” Walang kaemo-emosyon na tinignan naman ako ni Mr. Estillore. “Tapos na naman kayo na tumingin di ba?” prankang tanong niya, “Kaya kung pwede lang Miss Hidalgo ay bigyan niyo naman ng chance na makatingin din ang iba na nasa likuran. Hindi lang sa inyo ang lugar na ito.” Sa sinabi niya ay bahagyang napatingin ako sa likuran. Doon ay nakita ko na may ilang empleyado na masama ang tingin sa amin ni Janine dahil nakaharang kami roon. Kaya agarang napangiwi ako at nagmamadaling umalis para bigyan sila ng espasyo na makita ang nasa bulletin board. “Yikes,” nakangiwing bulalas naman ni Janine nang makalayo kami, “Nakakatakot talaga si Mr. Estillore. Mabuti na lang talaga ay hindi ako napabilang sa team niya.” “Hmmph! Talagang maswerte ka dahil ako ang naging team leader mo,” pagsang-ayon ko naman sa sinabi niya. Ngunit kahit anong bait ko bilang isang lider ay tila wala pa rin itong saysay dahil hindi pa rin mababago nito na mas magaling ang team ni Mr. Estillore. Kahit pa kilalang kilala si Mr. Estillore bilang sobrang iskrikto at bossy sa team niya. Sa isang taon ay halos hindi namin mabilang kung ilan ang sumuko na empleyado sa kanya. Kaso kahit ganoon pa man ang sitwasyon sa team niya ay hindi ko pa rin magawang matalo siya. Hanggang sa bigla ako natigilan sa aking pagbabalik tanaw nang may maalala na isang mahalagang bagay. “Teka lang… hindi ba kasama sa mga ma-pro-promote si Mr. Estillore?” umaasang tanong ko. “Eh? Hindi mo ba nakita, Maxine?” hindi makapaniwalang sambit ni Janine, “Magkasunod lang kaya ang name niyo sa bulletin. Kaya katulad mo ay baka ma-promote rin si Mr. Estillore.” “What?!” malakas kong hiyaw Makikita sa aking mukha ang matinding pagka-dismaya. Akala ko kasi sa unang pagkakataon ay mauungasan ko na si Mr. Estillore ngunit isang malaking delusyon lang pala iyon. Nakalimutan ko na laging magkadikit ang pangalan naming dalawa. “Urggh… Kung ma-pro-promote rin siya ay lalo kami magkikita na dalawa sa opisina,” hindi natutuwang komento ko, “Kailan ba kasi mawawala sa landas ko si Mr. Estillore?” Napangisi naman si Janine dahil sa sinabi ko na iyon. “Pero what if si Mr. Estillore pala ang destiny mo?” pang-aasar niya, “Look… hindi ba kataka taka na laging pinagtatagpo kayo na dalawa?” Agarang sinamaan ko naman siya ng tingin dahil sa kung anong ideya na pumasok sa isipan niya. “Umayos ka, Janine, biruin mo na ako sa ibang bagay… huwag lang diyan…” hindi natutuwang sambit ko, “Tsaka haler… Sa isang linggo na kaya ang kasal ko. Kaya walang destiny sa pagitan namin ni Mr. Estillore. Hinding hindi na mangyayari iyon ‘no.” “Ito naman masyadong defensive…” natatawang sambit ni Janine, “Pero girl, bagay kaya kayo ni Mr. Estillore. May usap-usapan nga sa office na meant to be kayo eh.” “Janine!” asar kong sambit, “Isa na lang talaga. Malilintikan ka sa akin.” Malakas na humagalpak naman ng tawa si Janine. “Sorry, sorry, sabi ko nga ay titigil na ako eh.” *** “Roman, I have good news!” masayang pamamalita ko sa aking nobyo at malambing na yumakap sa braso niya, “Malaki ang chance na ma-promote ako! Tamang tama ang pagpapakasal nating ito dahil napag-alaman ko na gusto ng CEO na mas una na mai-promote ang mga married nilang empleyado!” Ramdam ko na bahagyang natigilan si Roman sa ibinalita ko. Dahil doon ay nagtataka na napaangat ako ng tingin dahil sa nagging reaksyon niyang iyon. “Roman? Love? Hindi ka ba masaya para sa akin dahil ma-pro-promote na ako?” takang tanong ko sa kanya at seryosong tinignan siya sa kanyang mga mata. “Hmmm… Siyempre masaya ako para sa iyo, Maxine. Alam na alam ko kaya kung gaano mo pinagbutihan ang pagtra-trabaho mo para mapili sa promotion,” nauunawaang sambit naman ni Roman ngunit mahahalata na pilit lamang ang ngiti niya. Sa kakaibang inakto niyang iyon ay bahagyang napabitaw ako sa pagyakap sa kanyang braso. “Teka may problema ba tayo?” nag-aalalang tanong ko sa kanya, “Kakaiba ang inaakto mo magmula kanina.” Iniling iling naman ni Roman ang ulo niya bago malambing na yumakap sa akin. “Wala tayong problema, Maxine,” pagpapakalma niya sa akin, “Don’t worry.” “Are you sure?” hindi kumbinsido kong sambit, “Maaari ka naman magsabi sa akin. Alam mo naman na magiging mag-asawa na tayo next week. Kaya problema mo ay problema ko na rin.” Malakas na humugot ng kanyang hininga si Roman. Pagkatapos ay muling iniling iling niya ang kanyang ulo. “Wala talaga akong problema, Max,” patuloy na pagtanggi niya, “Baka pagod lang ako sa work. Sorry.” Sa dinahilan niyang iyon ay nakahinga na ako ng maluwag. Ayoko pa naman na magkaroon kami ng problema dahil hindi maganda iyon para sa aming dalawa. Lalo pa na sa susunod na linggo na nakatakda ang aming kasal. Gusto ko na maging perfect iyon na siyang kaiinggitan ng mga imbitado kong katrabaho. “Maxine, matanong ko lang… bukod ba sa promotion mo ay may iba ka pa ba na good news?” pag-uusisa naman ni Roman sa akin, “Hindi mawala ang ngiti mo magmula kanina eh.” Napahawak naman ako sa aking magkabilang pisngi dahil hindi ko alam na kanina pa hindi mawala wala ang aking ngiti. “Eh? Masyado ba ako obvious?” napapangiting sambit ko. Sa reaksyon ko na iyon ay malawak na napangiti na rin si Roman. Naramdaman ko pa ang malambing na pag-pat niya sa aking ulunan at bahagyang pagkurot sa aking kanang pisngi. “Siyempre dapat ko lubos na makilala ang mapapangasawa ko,” pagrarason niya, “Alam ko dapat kung may ano ba na nagpapasaya sa kanya.” “Iiih Roman… Pinapakilig mo naman ako,” natatawang sambit ko bago yumakap muli sa kanya. “Pero bakit nga ba ang saya saya mo ha, Maxine?” pag-uusisa muli sa akin ni Roman. Doon ay abot tenga na ngumiti muli ako. “Well… Naalala mo ba si Mr. Estillore?” paninimula ko, “Ang lalaking gusto ko na mawala sa mundong ito?” Katulad kanina ay bahagyang natigilan si Roman. “Oh that Mr. Estillore… Hindi ba siya ang katrabaho mo na tinuturing mo na iyong karibal?” pag-alala niya, “Bakit? Anong meron? Nagawa mo na ba makasulot ng proyekto mula sa kanya?” “Err hindi naman… Pero parang ganoon na nga rin ang nangyari…” napapaisip kong sambit. Malakas na napabuga ng kanyang hininga si Roman. Hindi ko alam pero tila nabago agad ang timpla niya nang mabanggit ko si Mr. Estillore. Well, baka katulad ko ay hindi maganda ang loob niya sa tuwing maalala ang lalaking iyon. Talaga nga naman nakaka-bad mood ang taong iyon eh. “Okay… What’s with him?” pagtatanong ni Roman, “Bakit masaya ka ngayon nang mabanggit si Mr. Estillore? Hindi ka naman ganyan datin sa kanya.” Muling malawak na napangiti ako. “Naalala mo ba ang qualification kanina para ma-promote?” pagpapaalala ko na siyang pilit na inalala naman ni Roman, “Well, fortunately, single siya and never dated. It means walang chance na ma-promote siya ngayon!” sobrang masaya na pamamalita ko, “Di ba ang gandang balita? Dahil sa oras na maikasal tayo ay mauungasan ko na rin ang mokong na iyon. Mauuna ako na ma-promote kaysa sa kanya!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

AKO ANG NAUNA [SPG]

read
6.3K
bc

The Real About My Husband

read
24.3K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
9.8K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
63.1K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
284.5K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
87.7K
bc

DON'T FALL IT'S DANGEROUS

read
6.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook