Past "Pasensiya ka na,"ani ni Nola atsaka tumingin sa akin, "Matagal ko na talagang tinatago 'to." "Wala bang alam sila Lauriel tungkol sa bagay na ito?" Tanong ko rito at ngumiti sa kaniya. Alam ko sa sarili ko na kailangan lamang ni Nola ngayon ng makaka-usap, hindi rin naman ako masiyadong mahilig sa sayawan kaya dito na lang muna ako at makikinig sa kaniya. Umiling naman si Nola sa tanong ko atsaka siya bumuntong hininga, "Wala silang alam tungkol sa bagay na ito, tanging ikaw lang ang sinabihan ko." Nagulat naman ako sa sagot niya, bakit niya naman kinw-kwento sa akin ang tungkol sa bagay na iyan? Isa lamang akong estranghero na napadaan sa kanilang grupo at hindi pa nga ako nito ganoon kakilala? Akala ko ba ay ayaw pa nitong magtiwala sa mga taong nasa paligid niya? "Alam ko na