Past "Kamusta, Kori?" Tanong ni Lauriel habang nag-aalalang nakatingin sa kaniyang anak, unti-unti ko naman minulat ang aking mga mata at ngumiti sa kanila. "Huwag na kayong mag-alala, ilang oras mula ngayon ay babalik na rin sa sigla ang kulay ng inyong anak,"sabi ko at tumayo na. Napangiti naman ang mga ito at halos maiyak-iyak din na tinignan ni Lauriel ang kaniyang asawa. Dali-daling lumapit silang dalawa sa bata at hinaplos ang mukha. "Gumising ka na anak ko,"sabi ni Lauriel at hinalikan ang noo ng bata. Napa-ngiti naman ako kung paano umasta si Lauriel sa harap ng kaniyang anak. Kung gaano kalambing ito sa amin ay mas malambing naman ito sa kaniyang mga anak. Halatang-halata na sobrang mahal nito ang kaniyang anak. Kung titignan si Lauriel ay napaka-angas ng pananamit nito, bigla