Past "Hindi totoo?" Nagtatakang tanong ni Treyni at humarap dito, "Hindi ba at iyan 'yong huling sinabi mo sa akin? Kapag gumaling na si Driel ay titigil na kayo sa pagsama at pagtanggap sa mga misyon?" Sobrang lungkot ng mga mata ni Treyni. Sa tingin ko ay ilang tulak na lang ay iiyak at iiyak na yata ito. Naiintindihan ko naman kung bakit ganito na lang ang naging reaksiyon niya. Ayaw lang niya mawalay sa dalawa at mayroong tsansa na kapag tumigil sila sa pagtanggap ng mga misyon ay mabubuwag na talaga ang kanilang grupo. Kitang-kita ko rin ang mga lungkot sa mga mata ni Lauriel habang nakatingin kay Treyni. "Aalis na lang muna kami at lilinisin lang namin itong mga nahuli namin,"sabi ni Draco at Sinenyasan si Sam. Kinuha na nila ang mga hayop atsaka sila umalis. Naiwan na lang kaming