Past Kori's Point Of View Nagising ako dahil sa mahinang tapik sa aking pisngi. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at nakita si Sister Kara na may dala-dalang lampara. Napalingon naman ako sa aking tabi at nakita si Tine na mahimbing na natutulog at ginigising ni Sister Jai. Nandito pa pala kami sa labas at dito na rin nakatulog. "Bakit po?" Tanong ko rito habang kinu-kusot ang aking mga mata. Ngumiti lamang si Sister Kara sa akin at tumingin sa itaas. "Oras na upang magpa-alam ka sa lahat." Saad nito, "Naghihintay na sila Father sa harap ng simbahan." Teka. Umaga na ba? Hindi ko man lang na pansin na tuloy-tuloy na talaga ang pagtulog ko. Tumayo na ako at nag-unat, napatingin naman ako kay Tine na patuloy pa rin itong ginigising. "Tine? Aalis na ako,"sabi ko. Walang pagda