Chapter 21

3000 Words

Past     "Hindi ako makakapag-bukas ng klinika ngayon dahil sa iyo,"sabi ko at masamang tinignan ang kaibigan ko na masayang naglalakad. Napaka-sabik nitong pumunta ng bayan dahil sa mga pagkain ng iba't-ibang tindahan. Sa tuwing pista ay lahat ng mga pagkain sa harap ng mga tindahan o lulutuin nila nitong araw ay libre para sa lahat. Ito rin paraan nila bilang pasasalamat sa Panginoong Sola at panghihingi na rin nila ng masiglang katawan. "Aminim mo,"saad ni Tine at kumapit sa braso ko, "Sabik ka rin naman pumunta sa bayan dahil sa libreng paborito mong tinapay na sinasawsaw sa mainit na tsokolate." Tinulak ko naman ito at inirapan, "Hindi ako kagaya mo, Tine. Bibisitahin ko lang ang mag-asawa at sasamahan kita na kumain ng kumain sa mga gusto mo." Sabi ko at na-una ng maglakad. "Sus,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD