Past Sabay-sabay namin ibinaling ang aming paningin kay Treyni na ngayon ay seryosong nakatingin lang sa amin. "Treyni,"bulong ko. Naka-kuyom lamang ang mga kamao nito at hindi pa rin iniiwas ang kaniyang paningin. Unti-unti na itong naglalakad papunta sa aming harapan, nang makarating na ito ay agad niyang tinignan si Lauriel na ngayon ay hindi makatingin ng maayos kay Treyni. Panigurado ay kinakain ito ng kaniyang konsensiya dahil sa kaniyang ginawa. "Alam ko na alam mong hindi ako natuwa sa plano niyo, Lauriel,"saad nito, "Ngunit, hindi na rin ako bata upang hindi maintindihan ang nangyayari. Alam kong nag-aalala lang kayo sa akin at natatakot lang kayo na hindi ako sasang-ayon sa inyo, pinapatawad ko na kayo pero sana ay huwag niyo ng ulitin ito." Natahimik naman s