Past "Masaya ako para sa iyo,"sabi ko kay Treyni at kumalas sa pagkakayakap sa kaniya. Hindi naman mapigilan ni Treyni ang hindi ako yakapin pabalik at tuluyan na itong na iyak. Hinayaan ko lang ito sa aking balikat habang hinahaplos ang kaniyang likod. "Makakaya mo rin ito,"sabi ko. Nanatili lamang kami sa ganoong posisyon ng marinig namin ang tawanin nang mga kasama namin. Kumalas na kami sa isa't-isa atsaka humarap sa mga ito. Nakatingin lamang si Lauriel sa amin habang sobrang lapad ng kaniyang ngiti. Alam ko na sa lahat ng tao na narito ay si Lauriel ang pinakamasaya para sa kaniyang kaibigan. Siya lang naman ang taong laging tinatakbuhan ni Treyni sa tuwing nagkakaroon ito ng problema o hindi kaya ay namimiss nito ang kaniyang kasintahan. Matagal ng magkaibigan ang dalawa kung k