SMM 3

2083 Words
CHANDRIA'S POV Hindi ko mabilang kung ilang beses kong ipinilig ang ulo ko habang nakatingin sa direksyon n'ya. Subukan ko mang tumayo ngunit ramdam ko pa rin ang panghihina ng katawan ko kaya wala akong magawa kung hindi ang manahimik na lamang at panoorin siya. "Sinadya mo bang patulugin ako kagabi?" walang keme kong tanong. Mabilis na lumipat ang mga mata n'ya sa akin habang walang tigil pa rin ang kamay nito sa paglilinis ng samo't saring kutsilyo at blades sa ibabaw ng side table. Wala man ako sa tabi nito pero kinikilabutan ako sa talim at kintab ng mga hawak n'ya, kung hindi ako nagkakamali ginagamit nito ang mga armas na iyon para tahimik na kitilin at walang kahirap-hirap na tapusin ang mga misyon n'ya. "Yeah, I decided to use uhm, a chemical to silence you," pag-amin n'ya. Sa kabila ng malamig nitong pakikitungo sa akin, nagagawa pa rin naman nitong sagutin nang maayos ang mga tanong ko sa kanya. Gusto ko din sana siyang tanungin kung ano ang chemical na ginamit nito pero alam kong hindi n'ya hahayaang malaman ko ang mga sekreto n'ya...takot na lamang nitong patulugin ko siya at pagsamantalahan. Binalewala ko na lamang ang sama ng loob na nararamdaman ko sa takot na baka bumaon sa lalamunan ko ang hawak n'ya, mas mabuti pa siguro kung pagtuunan ko na lang ng pansin ang pinahanda nitong breakfast in bed para sa akin. "Ang sarap ng steak, wagyu beef ba 'to?" nakangiti kong tanong sa direksyon n'ya. Madilim ang ekspresyon nitong humarap sa akin kaya awtomatikong nanindig ang mga balahibo ko sa katawan. "Human flesh," maiksi n'yang sambit. "Ano?! Nababaliw ka na ba?!" Halos bumaliktad ang sikmura ko dahil sa sinabi n'ya. Gustuhin ko mang isipin na nagbibiro lamang ito pero masama ang kutob ko dahil seryosong-seryoso ang pagkakasabi n'ya...parang walang halong joke. Kumakain din ba siya ng tao? Kaloka! Napailing ako, ang dami na talagang gumugulo sa isipan ko dahil sa lalaking 'to. Imbes na dapat naming inuuna ang paghahanap sa totoong pumatay kay daddy, wala kaming ibang ginawa kung hindi mag-asaran dito. Ilang sandali pa, piniling niya ang ulo hanggang sa napansin kong tumaas ang sulok ng labi nito. "Don't worry, I killed a man last night but I didn't cook him like what you are thinking." Gusto kong sumagot pero hindi ko maiwasang huwag matulala sa kanya. Akala ko dahil lamang sa panghihinang nararamdaman ko kahapon kaya inakala kong lumiwanag ang mukha n'ya pero ibang usapan na ngayong nakangiti siya sa harapan ko. Natutuwa yata siya sa ginagawa n'yang mga kalokohan sa akin, magpapatalo ba ako? "Is that man somehow related to your mission with me? Nakuha mo ba ang personal info. n'ya?" Saglit itong natigilan sa ginagawa hanggang sa sumenyas na lamang itong lumapit ako sa kanya. Kaagad namang kumunot ang noo ko, bakit ako ang lalapit? I'm his master...his client. Why would I? "Sus! Hindi mo pa rin ba kayang lumapit sa akin? Don't be stupid, Mr. Montero, ako lang 'to!" Hirap na hirap akong pigilan ang nakakalokong ngiti na nagbabadya sa mga labi ko. Natutuwa ako dahil pakiramdam ko unti-unti na akong nakakaganti sa ginawa n'yang pagpapatulog sa akin. Naaninag ko sa mukha n'ya ang inis nang tumayo ito mula sa kinauupuan saka inabot sa akin ang isang papel. Lihim naman akong napangiti nang malanghap ang amoy na alam kong mula sa perfume nito. "Armando Herera, he's been following you since you left the mansion. Mukhang madali lang nating mahahanap kung sino ang mastermind sa pagkamatay ng daddy niyo, Ms. Monteverde." Natigilan ako sa narinig, sinusundan ako ng lalaking pinatay n'ya mula sa mansyon hanggang sa nakarating ako ng Bali? "Hindi ko siya kilala," mahina kong sambit habang nakatingin nang mabuti sa mukha nito. Malinaw ang kuha pero ni minsan hindi nagkrus ang landas namin ng taong ipinakita n'ya. Tumango na lamang ito saka mabilis na bumalik sa kinauupuan, para naman akong nahimasmasan nang makitang nilalaro nito ang isang blade sa kanyang hinlalaki. "He's a gun man hired to kill you, at hindi lang siya nag-iisa." Parang may namuong bara sa lalamunan ko nang magtama ang mga mata naming dalawa. Madami sila? Sino ba talaga ang totoong nagpapatay kay Dad at mukhang gusto yata nitong ubusin ang lahi namin? "Can you imagine yourself walking without your head, Ms. Monteverde?" Muntik ng mapugto ang hininga ko dahil sa takot na namuo sa puso ko, para kasi nitong sinasabi sa akin ngayon na isang maling galaw ko lang ay maaring wakasan ng mga taong binayaran ng pumatay kay daddy ang buhay ko. "Hindi ko ma-imagine na naglalakad ako ng walang ulo, Mr. Montero. Walang puso, pwede pa?" Kumunot ang noo nito. "Considered yourself dead if you're walking without a heart." Umiling ako saka mahinang tumawa, tama na ang sakit na naramdaman ko nang mawala si Dad. Ayoko nang magpadala sa takot na nararamdaman ko kaya kailangan ko itong ilihis sa anumang paraan. "Iingatan mo naman ang puso ko, hindi ba? So mabubuhay ako ng matagal kapag gano'n?" Nasilayan ko kung paano dumilim ang mukha nito habang magkasalubong ang malalagong kilay. Mahina na lamang akong natawa dahil sa ekspresyon ng mukha n'ya. "Kinikilig na 'yan?" "What the hell, Ms. Monteverde. Are you dumb?" inis nitong sambit. Umiling ako sa harapan n'ya habang may kinang sa mga mata, hindi ko inaasahang mas lalo siyang maiinis dahil sa simpleng hirit na sinabi ko. Masyado talagang seryoso ang lalaking 'to, alangan naman siya lang ang matuwa sa pang-aasar na ginagawa n'ya sa akin, hindi ba? Maingat akong humakbang pababa ng kama para sana lapitan siya pero mabilis akong napaupo pabalik nang mga baril naman ang inilapag nito sa ibabaw ng mesa. My goodness! Gaano ba kadami ang laman ng itim n'yang attache case? Ngayon ko lang napatunayan na totoo ang mga sinasabi ni daddy noon na delikado ang lalaking 'to. Sana pala binayaran n'ya na lang ito para gawing kanang kamay noon. "Ah, b-baril. Ang g-ganda naman," nauutal kong sambit. "Bang, bang, hehe." Bumaba ang tingin n'ya sa isang baril at mapagbiro iyong itinutok sa harapan ko saka tinanggalan ng bala. Hindi ko maipaliwanag ang bilis ng kabog ng dibdib ko dahil parang may ibang ibig sabihin ang ginawa n'yang iyon. Gusto ba nitong siya na lang ang pumatay sa akin kesa ibang tao? "Masamang biro 'yan, Mr. Montero. Huwag mo akong tatakutin ng ganyan," sabi ko na nasundan ng pilit na tawa. Umiling naman ito saka inilapag ang hawak sa mesa. Pakiramdam ko mauubos ang siyam na buhay ko dahil sa mga ginagawa n'ya sa akin. "Don't worry, you'll get use to it. From now on I want you to stop from seducing me and just treat me as your mere weapon." Nangatal ang mga labi ko dahil sa sinabi n'ya, ibig ba nitong sabihin araw-araw kong mararanasan ang ganito dahil pinili kong humingi ng tulong sa isang tulad n'ya? Tuluyan akong naubusan ng mga salita habang nakatingin sa kanya, pakiramdam ko kasi isang batalyon ang kakalabanin n'ya kaya gano'n na lamang ang hinanda nitong mga armas at kung hindi ako nagkakamali may iba pang kemikal na laman ang attache case na inuna nitong ayusin habang tulog ako. Gumuhit na lamang ang makahulugang ngiti sa mga labi ko nang makitang natapos na nito ang ginagawa at trenta minutos na lang at lunch time na. "Why don't we walk down the resto for a lunch?" tanong ko na para bang balewala ang kapahamakang naghihintay sa aming dalawa. Walang emosyon n'ya namang ibinaling ang tingin sa direksyon ko saka walang pagdadalawang-isip na tumango. Mukhang nakakaramdam din pala ng gutom ang mala-yelo sa lamig na assassin na ito. Una akong humakbang pero natigilan na lamang nang makitang hindi nito hawak ang attache case n'ya. "Bakit iniwan mo 'yon?" sabi ko sabay turo sa mga gamit na hinanda n'ya. Napansin ko ang mapait na ekspresyon sa mukha nito na para bang nakaramdam na naman siya ng matinding disappointment sa akin? Bakit pakiramdam ko nakaugalian na ng lalaking 'to na insultuhin ako sa pamamagitan ng tingin? "I don't need that," aniya gamit ang malalim na boses. Lumawak naman ang ngiti sa mga labi ko saka may kinang sa mga mata itong tinitigan. Oras na para mas mapalapit kaming dalawa sa isa't isa. "Ibig sabihin pwede kitang hawakan sa braso?" I moved closer and showed him my sweetest smile. "Gusto mo namang maging escort ko, hindi ba?" Nagkibit-balikat siya saka ibinaling ang paningin sa akin. "Are you sure about that, Ms. Monteverde? My blades have poison on it, swinerte ka lang last time." Shocks! Ramdam ko ang pamumulta ng mukha ko saka mabilis na humakbang papunta ng pintuan, mabuti na lang pala at may natitira pang swerte sa akin kaya gano'n lang ang sugat na natamo ko. Hindi ko pa man nabubuksan ang pinto may kung ano nang pumasok sa isipan ko. I know hindi na ito kasali sa usapan naming dalawa pero gusto ko pa ring mawala ang panlalamig na nararamdaman n'ya sa akin. "Let drop the formalities? Just call me Chan, okay?" sabi ko at muntik nang mailahad ang kamay sa harapan nito. Mabuti na lang napigilan ko ang sarili ko at baka kung anong patalim naman ang bumaon sa balat ko sa mga oras na ito. Umiling siya saka humugot ng malalim na hininga. "You are my client, I will still call you Ms. Monteverde whether you like it or not." I rolled my eyes on him, nasa punto na ako ngayon na gusto ko siyang sabunutan dahil sa inis na nararamdaman. Bakit ba kinokontra n'ya ang lahat ng gusto ko? Gusto ko lang naman na tawagin n'ya ako sa pangalan ko, mahirap bang gawin iyon? Napailing na lamang ako nang humakbang siya sa unahan kaya napilitan akong maging sunod-sunuran sa kanya. Hindi ko naman maiwasang huwag mapraning dahil sabi nga nito maraming inatasan ang pumatay kay daddy na patahimikin ako. Bakit siya nasa harapan kung gano'n ang usapan? Paano na lang kung may biglang sumulpot sa likuran at barilin ako? May mata ba siya sa likod? Humugot ako ng malalim na hininga nang marating namin ang restaurant, madaming taong kumakain pero hindi naman naging agaw pansin ang presensya naming dalawa. Siguro sanay ang mga tao dito na makakita ng lalaking walang ibang suot sa katawan kung hindi black...parang ipinaglihi kay kamatayan. "Yong totoo? Ipinaglihi ka ba kay kamatayan?" Muntik na nitong mabitawan ang hawak na menu nang marinig ang sinabi ko. Ewan ko ba, basta na lang pumasok sa isipan ko na itanong 'yon sa kanya kahit pwede ko naman iyong itanong mamaya. Kumunot ang noo nito. "Is it because of my fashion style? May masama ba, Ms. Monteverde?" Naramdaman ko ang ibayong inis sa inaasal nito kaya wala akong nagawa kung hindi agawin sa kanya ang menu at umorder na lang. Mabilis naman itong nagsalita para sabihin ang order n'ya at humingi ng complementary ice water sa waiter. Pareho kaming walang imik kahit halata ang inis na nararamdaman sa isa't isa. "Why are you silent, Ms. Monteverde?" Hindi ko napigilang huwag sumimangot dahil pormal na pormal pa rin ang tawag n'ya sa akin. Humigpit ang pagkakahawak ko sa kubyertos dala ng pinaghalong inis na nararamdaman sa kanya at sa kinakain ko. Mabilis na nanlaki ang mga mata nito nang makitang hirap na hirap akong buksan ang alimango dahil sa bandage na ibinalot nito sa daliri ko kaya naman ginamitan ko na ng kutsilyo. "Let me do it," aniya saka kinuha ang platong nasa harapan ko. Nalaglag ang mga panga ko nang makitang walang kahirap-hirap nitong binuksan at pinaghiwa-hiwalay ang bawat parte ng alimango. Unang tingin pa lang alam kong hindi na ako mahihirapang kunin ang laman. "Nakakaloka, pakiramdam ko tao ang hinahati mo sa sobrang bilis," hindi ko napigilang untag dahil sa pagkamanghang nararamdaman. Kumunot ang noo nito saka ipinagpatuloy na lamang ang kinakain. Gusto kong mapangiwi sa harapan n'ya dahil napakaseryoso pa rin kasi nitong tingnan kahit blessing dapat kung ituring ang nasa harapan namin. Kung alam mo lang, Raizel Montero. Ito ang unang beses na walang takot at hindi ako nagmamadaling kumain sa labas. Hindi ko na din mabilang kulang ilang beses akong nagpapalit-palit ng hotel para lamang maprotektahan ang sarili ko magmula noong mamatay si daddy. "Why are you staring at me like that, Ms. Monteverde? Huwag mong sabihing ako ang isusunod mo pagkatapos nang hinihigop mong oyster?" Bumuntong-hininga siya habang hindi naman maipinta ang ekspresyon ng mukha ko. Siya hihigupin ko? Luh! "Do you want to swim with me? Let's visit the infinity pool together, honey."

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD