Penelope POV Napatakip ako sa hubad kong katawan. Hindi ko mabilang kung ilang beses niya ako inangkin. Naluluha ako dahil parang pakiramdam ko ang napaka dumi ko na. Hindi ko mapigilang mapahikbi. Dumaloy ang masaganang luha sa mga mata ko. Masakit ang buo kong katawan dahil napakarahas nitong inangkin. Nanginginig ang kamay kong nakahawak ng mahigpit sa kumot para takpan ang hubad na katawan. Magulo ang buhok ko at masakit ang anit ko dahil sa pagkakasabunot niya sa akin habang inaangkin niya ako ng paulit-ulit. Pati na rin panga ko'y masakit, sobrang higpit ng hawak niya na parang pipigain ang mukha ko. Napahawak ako sa labi para pigilan ang pag-alpas ng hikbi. Ayokong makalikha ng ingay. Tahimik akong tumayo para maglinis ng katawan. Pinulot ko ang mga nagkalat na damit na nasa sahi