ALL OF ME

1024 Words
Nagtataka ang isang napakakisig na binata nang dumating siya sa mansiyon. Maraming sasakyan ang nakaparada sa malawak na bungad ng kanilang bahay. Agad siyang bumaba at binilin ang kanyang driver at personal assitant. Nauna siyang pumasok sa loob. Nakita niyang may magandang dalaga na nakaupo sa single sofa. Tintigan niya ito at kinilala, ngumiti ito sa kanya at unti-unti niyang naalala kung sino ito. "Rhie?" Sabi niya sa dalaga. Tumayo ito at tumango sa kanya. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Napakalaki ng pagbabago nito. Oo nga! Dati na itong maganda pero mas gumanda siya ngayong ganap na itong dalaga. When was the last time he saw this girl? Kung hindi siya nagkakamali, anim na taon. "Hi! How are you?" Untag sa kanya ng dalaga. Kumurap-kurap siya at talagang humanga siya sa ganda nito, especially those killer smile of her. "H-hi! Hindi kita naalala ah!" Nauutal niyang sagot. "Ikaw naman! Childhood neighbor tayo dati nalimutan mo na ako." Sabi nito na kunwari ay nagtatampo. Mahinang tumawa ang binata. "O apo! Nariyan ka na pala!" Boses ng kanyang Grandpa. Nilingon niya ito at nilapitan saka nagmano. Nakita niya din ang mag-asawang alam miyang kaibigan ng kanyang lolo na tiyak mga magulang ni Rhie. Nginitian niya ang mga ito at bumati. Pati ang dalawa pang pares na nasa kabilang sofa. Pinaupo siya ng kanyang lolo sa tabi nito. "Apo, naaalala mo pa ba si Rhianna?" Tanong sa kanya ng matanda. "Oo naman po! Kamuntikan lang na hindi ko siya naalala kanina, masyado na siyang maganda." Sagot niya na may halong biro. Nagkatawanan ang lahat. Nagyuko naman si Rhianna dahil sa sinabi ng binata. "Mukhang bagay nga sila, kumpadre!" Wika ng ama ni Rhianna. "Oo naman! Kumpadre hinding-hindi ako magkakamali," matamis ang ngiti ng matanda. Medyo naguluhan si Erickson sa takbo ng usapan ng mga ito. "Lolo, anong ibig niyong sabihin?" Paanas na tanong niya sa kanyang Grandpa. "Malalaman mo rin apo," sagot nito at tinapik siya sa kanyang likod. Tumahimik siya at sinulyapan si Rhianna na kanina pa titig na titig sa kanya. Nginitian niya ito at ngumiti din ito sa kanya. "Apo, samahan mo naman si Rhie para makapag-usap kayo." Baling sa kanya ng kanyang lolo. Agad siyang tumalima at umupo siy sa tabi ng dalaga. Matamis ang mga ngiti ng mga matatanda habang pinagmamasdan silang dalawa. Tumikhim si Erickson. "Ah, gusto mong maglakad-lakad?" Naalala niyang tanong dito. "Oo!" Bulalas ng dalaga. Tumayo siya at sumunod naman sa kanya ang dalaga. Naririnig pa niyang nagkakatawanan ang mga nasa loob. Dumiretso sila sa hardin saka umupo sa may kubo. "Pumasyal lang ba kayo?" Tanong ng binata sa katabi niya. "Ahmm..oo atsaka may aasikasuhin daw si dad dito for one week, kaya sumama ako." Kiming sagot ni Rhianna. "So, dapat pala ipapasyal kita para naman maenjoy mo ang bakasyon mo rito." Tugon ni Erickson. "Hindi kaya nakakahiya," sabi ng dalaga. "Hindi naman! Isasama ko yung girlfriend ko para hindi ka mahihiya."masayang wika ng binata. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Rhianna. Ikinubli niya iyun para di makita ni Erickson. Nasaktan siya sa kanyang narinig. Ito ba ang maririnig niya mula rito for the past six years? "Successful ka na pala, bilang president ng inyong kumpanya." Pag-iiba niya ng usapan. "Hindi naman! Pinalitan ko lang si lolo dahil sa kanyang kondisyon." sagot ng binata. Pinagmasdan ni Rhianna si Erickson. Ngumiti siya, ito pa rin ang lalaking una niyang minahal. "Hindi ka pa rin nagbabago, Ickson." Mahinang wika ni Rhianna. "Oo naman! Teka, ilan na ang boyfriend mo?" Ani ng binata. "Wala," patay-malisyang sagot ni Rhie. "Ows? Sa ganda mong iyan!" Di makapaniwalang bulalas ng binata. "Wala nga sabi eh!" Inis niyang tugon. Tumawa si Erickson. "Hay! Rhie hindi ka pa rin nagbabago, pikunin ka pa rin." Iiling-iling na sabi ni Erickson. Hinampas niya ito sa braso. Mas lalong tumawa ang binata. Nang magsawa ay bumalik na sila loob dahil malamig na ang simoy ng hangin sa labas. Naratnan nilang masaya pa ring nag-uusap ang mga magkakaibigan habang nag-iinuman. Nagkatinginan silang dalawa at kapwa ngumiti. "Mukhang nag-eenjoy sila," wika ni Rhianna. "Oo nga eh! Parang may pinagdidiwang sila." sagot ni Erickson. Nagkibit-balikat ang binata at masaya niyang pinagmasdan ang kanyang Grandpa. Mukhang malakas na ito ulit mula sa pagkakasakit dahil sa alta presyon. Napangiti siya. "Apo! Bakit nakatayo kayo riyan?" Puna sa kanya ng kanyang Grandpa. Nginitian niya ito saka sila lumapit ni Rhianna. Umupo silang dalawa sa tabi ng kanyang lolo. Masayang tiningnan sila ng mga magulang ni Rhianna. Nginitian niya ang mga ito kahit nagtataka sa mga ikinikilos ng kanilang mga bisita. Kahit sa kanyang lolo ay nagtataka rin siya sa sayang nakikita niya rito. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari pero magtatanong siya mamaya sa kanyang Grandpa kapag nakaalis na ang kanilang mga bisita. "Tingnan mo nga naman Facundo, maliliit lang sila noon na nagtatakbuhan subdivision ngayon dalaga at binata na sila!" Masayang sabi ng ama ni Rhianna. "Oo Tommy! Tingnan mo puwede na silang lumagay sa tahimik." Sagot ng kanyang lolo. Napatikhim si Erickson sa narinig. "At ang bait pa ng iyong apo, Facundo!" Wika ng mama ni Rhianna. "Mom!" Narinig niyang sabi ni Rhianna. "Anak, its okay!" Tugon ng ginang. "Buweno, Facundo magpapaalam na kami kontakin mo na lang ako kapag okay na ang lahat." Sabi ng ama ni Rhianna. "Sure kumpadre!" sagot ni Don Facundo. Nagsitayuan na silang lahat at inihatid nila sa labas ang kanilang bisita. Nagkatinginan sila ni Rhianna at nagkangitian. "What do you think of her, iho?" Kapagkuwan ay tanong sa kanya ni Don Facundo. "Okay naman po siya, bakit niyo po natanong lolo?" sagot niya. "We will talk that later apo," turan ng kanyang lolo. "Lolo, bakit pakiramdam ko may kinalaman si Rhie sa pag-uusap natin?" Di mapakaling tanong ng binata. Matiim siyang tinitigan ni Don Facundo. "Whatever the outcome of what I will tell you later, just promise me that you will obey me for your sake." Seryosong sagot ng Don. Hindi nakaimik ang binata. Paano ba niya susuwayin ang taong nagpalaki at nag-aruga sa kanya mula pa sa kanyang pagkabata. "Will you, Erickson?" Tanong nito sa kanya. Naalunok siya at tumango. "I want to hear your promise, Erickson." Ani ng Don. Kahit bantulot ay napilitan siyang magsalita. "I promise, lolo." Mahina niyang sagot. "Good! Come with me in my library room," tugon ng matanda at nauna na itong naglakad. Nguguluhan naman si Erickson na sumunod sa kanyang Grandpa. Tia ba kinakaba han siya sa kanilang pag-uusap, dahil kapag tinatawag siya nito sa kanyang buong pangalan ay alam mo nang seryoso ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD