bc

A Love to Burn

book_age18+
3.1K
FOLLOW
20.4K
READ
love-triangle
fated
second chance
independent
self-improved
drama
bxg
brilliant
first love
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

FILIPINO - EDITING

Burlington University Series #3

Si Marga Castillano ay umalis papuntang Paris upang mag-aral ng Fashion Marketing na naging dahilan upang magkahiwalay silang dalawa ng boyfriend niyang si Seatiel Mendrez. Nagkaroon sila ng pangako sa isa't-isa na maghihintay si Seatiel sa kaniya hanggang sa makabalik siya ng Pilipinas at hindi naman siya maghahanap ng iba habang naroon siya sa Paris. Ngunit hindi ganoon ang nangyari, dahil nagkaroon na ng bagong girlfriend si Seatiel isang taon pa lang ang lumipas ng kanilang paghihiwalay.

Pagkalipas ng apat na taon, nakauwi nang muli si Marga sa Pilipinas. Sa kanilang muling pagkikita, may pag-asa pa kayang matupad ang pangakong napako? O kailangan nang sunugin ang pagmamahal na hindi pa rin malimot sa kasalukuyan?

Date Posted: September 22, 2021

Date Started: December 01, 2021

Date Finished: February 20, 2022

chap-preview
Free preview
Simula
“Offer?” I nodded as an answer to his question. “Yup. Hindi ba nasabi ko sa ‘yo na nag-send ako sa email nila ng application? I didn’t expect that I’ll pass…” The city lights were alive tonight. Ang mga naglalakihan at nagtataasang mga building ay mas kita na ang liwanag dahil napalitan na ang liwanag ng langit ng kadiliman. Bumaba ang tingin ko sa mga kotse na nakahinto at naghihintay na mapalitan ang kulay pulang ilaw ng traffic lights upang makausad na ang mga kotse. The cars were slowly moving now. “That’s good then!” malaki ang ngiti ni Seatiel sa akin. “Is it online learning? How will you do it?” I bit my lip. I hadn't told him about the whole thing yet. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya na kailangan kong umalis ng bansa at mag-aral sa Paris dahil natanggap ang mga designs na pinasa ko. “Se,” I called him even though he was already looking at me. “I’m going to Paris to study…” Natigilan si Seatiel sa sinabi ko at unti-unting nawala ang kaniyang malaking ngiti. He didn’t expect that kaya naman alam kong nagulat siya. Hindi ko rin kasi sinabi sa kaniya ang plano ko kapag nakapasa ang mga designs ko sa International Fashion School na naka-base sa Paris. “You told me when you were already decided?” malamig ang boses na tanong niya. The happy tone he had faded. Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung ano ang isasagot doon. He’s right, hindi ako nanghingi ng opinyon sa kaniya at nag-decide ako nang mag-isa. Ayaw ko lang na pag-awayan pa namin ito kaya hindi ko muna sinabi sa kaniya. I believed that he would understand me because he was like that, he always understood me. “I-I’m s-sorry,” ang tanging nasambit ko. Yumuko ako at pinaglaruan ang aking mga daliri. Ngayon, hindi na ako makatingin sa kaniya. It was all my fault, alam ko iyon at hindi ko iyon ipagkakaila. Aminado ako sa ginawa ko ngunit nahihiya rin ako sa sarili ko at sa kaniya. Seatiel was my boyfriend for 2 years now. We were like a cat and a dog who didn’t get along before but when he confessed to me, we immediately clicked. We were compatible and everyone in our circle of friends knew that. May mga pagtatalo rin na nangyayari sa amin ngunit naaayos din naman namin iyon kaagad. But right now, I didn't know anymore… Ang maingay na loob ng restaurant kung nasaan kami ngayon ay naririnig pa rin kahit na narito kami sa labas. To be exact, nasa rooftop nakapuwesto ang table na inuupuan naming dalawa ni Seatiel. Today was supposed to be our weekly date. Every week, hindi pumapalya si Seatiel na yayain ako na makipag-date sa kaniya. He was busy with his work and I am too but we still always find time for the two of us. Katatapos lang naming kumain at balak sana namin na manood ng movie, ngunit mukhang hindi na ‘ata iyon matutuloy dahil nagsalita si Seatiel at tumayo na sa kaniyang kinauupuan. “Let’s go. I think we should just go home tonight,” sambit niya, malalim at seryoso pa rin ang tono ng pagsasalita. Marahan akong tumango. Nakatingin ako sa kaniya ngunit siya naman na ngayon ang hindi nakatingin sa akin. I could sense that he was pissed. At naiintindihan ko rin iyon kung bakit. I knew him so well. Hindi niya gustong pag-usapan ang tungkol sa sinabi ko sa ngayon. Kailangan niya munang magpalamig kaya hindi ko siya pipilitin na kausapin ako. Whatever would be the outcome, I would accept it. When we were walking out of the restaurant, I was surprised when he held my hand. Umangat ang tingin ko sa kaniya ngunit ang side profile lang niya ang nakikita ko. Diretso ang tingin niya palabas ng restaurant, mahigpit ang hawak ng kamay niya sa aking kamay pero hindi naman ako nasasaktan. I felt safe instead. I wanted to trace his tensed jaw with my fingers and stopped him from walking while dragging me gently. I just felt the urge to kiss him and tell him that I’m really sorry. Because he deserved it, he deserved to be loved like that. Hindi ko inasahan na hahawakan niya pa rin ang kamay ko dahil sa nangyari ngunit heto kaming dalawa ngayon, magkasalikop ang mga kamay at pinagbuksan niya pa ako ng pinto ng kaniyang kotse. He was mad at me, but it wasn't a reason for him to act like he didn't love me anymore. Iyong mga ginagawa niya para sa akin noon, ganoon pa rin siya hanggang ngayon kahit na ramdam kong galit siya. Bukas na ang pinto ng passenger’s seat ngunit hindi ako tuluyang pumasok. Nag-angat ako ng tingin sa nakakunot ang noong si Seatiel. Nagtataka siguro siya kung bakit hindi pa ako pumapasok sa loob ng kotse at hindi ko pa rin binibitiwan ang kamay niya. “I love you,” I said under my breath. “I love you so much,” ulit ko pa sa mas malinaw na boses. Hinaplos ko ang mga daliri ni Seatiel na hawak ko habang nakatingin pa rin sa kaniya. I could see the sparkles in his eyes but he was trying to hide it. Pinigilan ko ang ngumiti. I traced his jawline with my vacant fingers. His chiseled jawlines were my favorite part of his face. Nakadepina kasi iyon at kapag naka-sideview siya sa akin, kitang-kita ko ang mga panga niya. He could pass as a model but he chose to be an architect instead. “I love you, even more, Ga…” I smiled. It was his endearment for me. Noong una, tinatawanan ko pa siya kapag tinatawag niya akong ganoon ngunit ngayon ay hindi ko na maiwasan ang kiligin sa tuwing tinatawag niya ako sa endearment niyang iyon para sa akin. Seatiel had his own unique way to call me and I liked it so much. “See you.” Ngumiti ako at hinalikan si Seatiel sa kaniyang labi bago ako bumaba ng kotse. I feel relieve for a little while. Alam kong hindi madali ang sitwasyon naming dalawa ngayon, ngunit ito ang napili kong desisyon kaya kailangan ko itong panindigan. My dream was right in front of me and I just needed to take it. It was a rare opportunity for me at alam kong hindi ko na dapat pang palagpasin ito. Bumuntonghininga ako at inilibot ang paningin sa apartment na tinitirahan ko. I’m going to miss this place, I've lived here for more than 2 years now. Simula noong naka-graduate ako ay bumukod na ako ng tinitirahan sa mga magulang ko. At noong naging kami ni Seatiel ay dito na ako nakatira. I’ve graduated in Burlington University with a degree of Bachelor of Science in Psychology and I’ve been an HR for 2 years now in a company. Ngunit alam ko kung ano talaga ang gusto ko, at iyon ay ang makapag-aral sa ibang bansa ng fashion marketing. I like to draw different kinds of clothes at iyong mga pinasa ko roon sa email kung saan ako nakapasa ay ang mga sarili kong design. “Hello, Mom?” I called my mother to tell her the news. Alam na nila ang plano ko at hindi naman sila tumutol sa gusto kong mangyari. My parents already knew that I really wanted to study fashion in Paris and they were my first supporters. “Hello, anak? How are you?” I smiled. Just hearing my mom’s voice made me feel at ease. “I passed the application!” Tumawa ako nang napasigaw si mommy sa kabilang linya. Hindi ko inasahan na gano’n ang magiging reaksyon niya sa sinabi ko. But I’m happy because she was happy for me. “Your Dad’s not here but I’ll tell him about it later. When are you flying, then?” Tumahimik ang kabilang linya. Sasagot na sana ako nang magsalita siyang muli, “H-How about Seatiel? Alam niya na ba?” Bahagya akong ngumuso. “Next-next week, maybe,” sagot ko sa unang tanong ni mommy. “Uh… About Se, we’ll eventually talk about it, Ma…” Alam din ni mommy na hindi ko sinabi kay Seatiel ang plano ko at nag-wo-worry siya para sa reaksyon ni Seatiel. Hindi namin napag-usapan iyon noong hinatid niya ako sa apartment dahil hindi ko siya pinilit, I knew that he didn't want to force things. Kapag ready na siya na pag-usapan namin iyon, sigurado akong siya ang unang mag-o-open ng topic. I still have two weeks before my flight to Paris. I thought it was enough for me and Seatiel to settle things straight. “Talk it out thoroughly, okay? Seatiel’s an understanding man. Gusto ko siya para sa’yo, kung ano man ang magiging desisyon ninyong dalawa sa relasyon niyo, your Daddy and I will support you.” “Thank you, Mom.” Nakangiti ako nang ibinibaba ko na ang tawag. Ngunit nawala rin iyon kaagad nang maalala si Seatiel. He looked okay about my plan but I just wished he would talk to me sooner. Hindi ko kayang hindi siya makita nang ilang araw tapos ay hindi pa namin nareresolba ang problema sa pagitan naming dalawa. Hinaplos ko ang aking kama. The bedsheet was smooth and I felt comfortable when I lied down, but why did it feel like there’s so much space beside me? Hindi ko naman ito nararamdaman noon. Wala namang nagbago, ako lang ang mag-isang natutulog sa kama ko noon pa man ngunit parang ang luwag-luwag ng kamang ito ngayon. My heart also felt heavy, yet empty… “So, you’re finally fulfilling that dream? Ang tagal mo ng pinapangarap ‘yan.” Tumango ako sa sinabi ni Leila. Nakaupo kaming dalawa sa loob ng coffee shop ngayong araw. Nakipagkita kasi ako sa kanilang dalawa ni Inori upang sabihin sa kanila ang magandang balita na dumating sa akin. Hinihintay na lang namin si Inori ngayon. She told us that she had work today ngunit daraan muna siya rito sa coffee shop bago siya pumasok sa trabaho. Leila and Inori were my friends since grade school days. Silang dalawa ang palagi kong kasama noong college at kahit ngayon na nadagdagan na ang mga edad namin, kaibigan pa rin namin ang isa’t isa. “Yes!” I enthusiastically answered. “Hindi ko talaga inasahan na makakapasa iyong application ko, but…” I hesitated to tell what I’m feeling. “You’re underestimating yourself, Marg. Ngayon, magtiwala ka na sa sarili mo. It’s a stepping stone for you! Alam kong matagal mo na ‘yang gusto,” komento ni Leila. May point siya, talaga namang hindi ako naniniwala sa sarili kong kakayahan. Ngunit ngayon, alam kong kaya ko at kakayanin ko. Panay ang pag-congrats sa akin ni Leila at ang pagsabi niya ng masaya siya para sa akin. Ganoon din si Inori nang dumating siya ngunit umalis din siya kaagad dahil sa kaniyang trabaho. Tumunog ang phone ko noong paalis na kami ni Leila sa coffe shop. Nang tignan ko iyon ay mabilis kong pinindot ang green button ng call upang masagot ang tawag. It was Seatiel. Ilang araw na rin kaming hindi nagkikita, ngunit tumatawag naman siya sa akin at ganoon din ako sa kaniya. Yet, we hadn't really talked about my departure. Hindi ko alam kung iniiwasan niya ba iyon o okay lang talaga sa kaniya kaya hindi niya na gustong pag-usapan. “Hello?” I cleared my throat when I noticed how hoarse it was. “Can we talk in person? Where are you? I’m in front of your house.” Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na nagpaalam kay Leila para makauwi na muna sa bahay. It was late morning and it was my day off today ngunit hindi ko alam kung day off din ba ni Seatiel ngayong araw. Mabilis akong bumaba sa loob ng kotse ko nang huminto iyon sa likod ng kotse ni Seatiel. He wasn't inside his car, though. He was walking back and forth in front of my house and he kept on looking at his phone. “Se,” tawag ko sa kaniya habang naglalakad na ako papalapit. I was stunned when he ran towards me, hindi niya na hinintay na ako ang lumapit sa kaniya nang tuluyan. He hugged me tight before lifting me up. Natatawa ako ngunit nagtataka rin sa ginawa niya. The sun was shining brightly and I could see it from where we were standing. The sun reminded me that there was something good happening today… “Congratulations on your application,” sambit ni Seatiel at hinalikan ako nang isang beses sa aking labi. “It’s your dream that you really want to fulfill since then. Galingan mo roon, okay?” Ngumiti ako ngunit nararamdaman ko na ang pangingilid ng mga luha sa aking mga mata. I could see the brightest eyes in front of me, and I’m so happy that those eyes supported me from the very beginning of my journey. Inangat ko ang aking kanang kamay at hinaplos ang pisngi ni Seatiel. “T-Thank you,” I said, my voice cracked. “I’m sorry that it took me days before I talked to you about this. I’m sure you were waiting for me to open up this topic.” Tumawa siya sa sariling sinabi. “Pero ngayon, gusto kong malaman mo na kahit anong gusto mong gawin, susuportahan ko. I’m your number one fan, remember that.” Tumango-tango ako, hindi na maalis ang malaking ngiti sa aking labi. “Opo, hinding-hindi ko makalilimutan ‘yan...” Niyaya ko si Seatiel na pumasok muna sa loob ng bahay para roon ipagpatuloy ang pag-uusap namin ngunit pinigilan niya ako. I thought that everything was okay now but when I’ve heard what he had decided, my tears of joy became the opposite. “Marga, let’s break up.” Kaagad akong umiling habang bumubuhos ang mga luha. Nasa gate na ako at binubuksan na iyon ngunit bumalik akong muli sa kinatatayuan niya. I told myself that I would accept whatever the outcome would be ngunit hindi ko ‘ata kakayanin ang gusto niyang mangyari. “W-What? W-Why?” Kailangan pang ipaintindi sa akin ni Seatiel ang ibig niyang sabihin. Dahil kung ako lang, hindi ko iyon kayang intindihin. Ngunit ang totoo, ayaw ko talaga iyong intindihin. “Listen, Ga.” Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at pinunasan ang mga luhang rumaragasa roon. “I don’t want you to think of me while you’re studying there. You should focus on your studies and thinking about your partner back in your own country won’t help you. You’ll miss me a lot and you’ll be homesick. And..." He paused for a while and avoided my eyes. Bumuntonghininga siya at muling ibinalik ang tingin sa akin. "I don’t want to be in a long-distance relationship. I promise that I will wait for you until you come back home.” Hindi ko pa rin mapigilan ang mga luha ko. Alam kong tama si Seatiel, iyon nga lang talaga ang gagawin ko kapag naroon na ako sa Paris. I would probably think of him more than I think of myself. At kahit ako, ayaw ko rin ng long-distance relationship. But if it was with Se, I would endure it. Ngunit dahil ito ang desisyon niya… “Y-You’ll still take me to the airport, w-won’t you?” I needed to make sure that we were still okay after we broke up. This was a mutual decision between us. He chuckled. “Of course, silly.” “W-We’ll still have conversations once I’m in Paris? You'll still answer my texts, calls? You'll still call me, text me?” “Yes." Tumango ako at suminghot. Pinunasan ko ang aking mga luha at pinilit na ngumiti. “Okay, I promise you too that I won’t find another man and I’ll come back to you after I graduate.” He smiled too. I agreed to his decision only because of his promise. Kung hindi siya nag-promise nang ganoon, sigurado akong hindi ako papayag. Knowing Seatiel, alam kong tutuparin niya ang pangako niya. That was why I’m not worried. With that, I went to Paris to study while still thinking about that promise we had told each other. And I held on to that promise until I couldn’t anymore.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
184.3K
bc

His Obsession

read
92.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook