Chapter 5

2536 Words
Lian's POV "Stand back." Dinig kong sabi ni Lac, bigla naman akong hinila ni Sister Jane papunta sa likuran niya, as if she was trying to protect me. "Ang kulit mo rin eh 'no?" Sabi ni Lac. "Oh? I'm sorry Mr. Time Traveller, but I'm not interested in you anymore." Sagot ni Wallry. So he can appear on any wall as he please? Anong klaseng mahika 'to? Because now, deep inside, 101% sure, magic is real. "Me?" Tanong naman ni Sister Jane dahil nakatingin sakaniya si Wallry. "No No No No. Her, that girl, bwahahaha." Napatigil ako sa sinabi niya at... 'Yung tawa niya.... ang laswa. "Shut up blockhead. Leave her alone." Sabi naman ni Lac. "Oh? Why? You're not related aren't you? But don't worry, I just happened to check on her, inutusan lang ako ni Madame, but how great isn't it? I happened to heard what you're talking about. Sa ngayon aalis muna ako, but I'm telling you to be aware everytime, especially you Miss Ex-Professor, kapag nakabot kay Madame na nalaman mo kung nasaan ang Pureblood, hu-huntingin ka niya. Well, I gotta go~" Mahabang sabi ni Wallry, bigla naman sinipa ni Lac ang pader pero bigla nalang nawala ang hugis mukha na sa tingin ko ay umalis na si Wallry. "s**t! See? Ayan, marami na ang nadadamay, bahala na kayo sa buhay niyo." Galit na sabi ni Lac at dali-daling umalis. Wait! Kaagad naman akong humabol sakaniya, I need to ask him something. "Lac!" Sigaw ko at tumakbo para maabutan siya, at dahil pinanganak yata siyang runner ay ang lalaki ng mga hakbang niya. "Lac! Sandali lang!" Sigaw ko. Hayy, ano ba 'yan, para naman kaming mag-jowa na nag-aaway. Pa'no kasi, nadidinig naman niya ako, hindi naman tumitigil. "Lac!" Ayan, parang nairita na ako pero nagulat ako nang tumigil siya at biglang pumihit paharap saakin kaya nagulat ako at napaatras. Masyadong malapit.. kaya layo-layo muna ako hehehe. "Ano bang kailangan mo? Siguraduhin mo lang na may sense 'yan ah." Sabi niya. Ah, ang sungit naman nito, bakit sa loob ng two weeks ibang-iba siya kung ikukumpara ngayon? Ito na ba ang totoong pagkatai ni Lac? "Ano na? Hindi ako pwedeng mag-aksaya ng oras, hindi ka naman siguro tanga para hindi maintindihan ang sitwasyon." Sabi niya kaya nagulat ako. Grabe, tanga? Sobra naman siya. "Shut up Lac, ito na ba? Ito na ba ang totoo mong pagkatao? Tch, so disgusting, galing mong magpanggap ah, infairness." Sabi ko. Ah! Ano ba Lian! Ano bang sinasabi mo? Hindi naman 'yan ang dapat mong sabihin eh! Pero.... grabe kasi siya eh... "And so what? Kung makapagsalita ka akala mo ang dami nating pinagsamahan, eh two weeks lang 'yon, tapos...ah tama! Nakakalimutan mo na ba? Pinagmukha mo akong malalang sakit sa mga tao dito, kung makaiwas ka saakin noon akala mo ang daming virus ang nakadikit saakin. But anyway, I don't give a damn, wala na akong pakialam sa mga 'yon, so please shut up, wala kang pakialam. Ano? Wala ka na bang iba pang sasabihin?" Para akong shock na shock sa mga sinasabi niya, tama naman siya, puro iwas lang ako sakaniya, eh ano naman kasi ngayon Lian? Ano bang pumasok diyan sa kokote mo? Pero hindu ako magpapatalo sa kasungitan niya. "Ah, tama, well, hayaan na nga natin 'yon. Ang gusto ko lang itanong ay ang tungkol kay Wallry, mukhang kilalang-kilala mo siya." Sabi ko. Tumingala naman ako para salubungin ang tingin niya pero nagulat ako, geez, he's staring at me! Parang hinihigop na niya 'yung kaluluwa ko sa kaloob-looban ko. "Alam mo Lian?" Biglang sabi niya kaya nagulat ako. "A-ano?" Iba na kasi ang tono ng pananalita niya. "I misjudge you..." Sabi niya. "Akala ko matalino ka, akala ko iba ka, but no, hindi mo ba nakikita? Idinadamay mo lang ang sarili mo! Dapat una palang, inilayo mo na ang sarili mo sa mga ganitong bagay, but now, what? It's already too late, you're already targeted by the villain witch. Now that I don't have anything to do with you anymore....bahala ka na sa sarili mo." Sabi niya. Tahimik lang ako habang nakatitig sakaniya, masakit? Bakit ba ako nakakaramdam ng sakit? Because for the second time, naramdaman ko na wala nanaman akong halaga. But still... "Pasensya na Lac, pero hindi 'yan ang sagot sa tanong ko, eh ano bang pakialam mo kung idinadamay ko ang sarili ko? Tama ka, bahala talaga ako sa buhay ko! So please tell me about that Wallry and the villain witch." Sagot ko sakaniya. Sige lang Lian, magpumilit ka pa, nandito ka na rin, nalaman mo na, natuklasan mo na, na totoo nga ang mundo ng mahika, uurong ka pa ba? "Tch, hard-headed as always. Kokonsensyahin mo pa ako, bahala kang maghanap ng impormasyon, I won't tell yoy anything, over my dead-body." Sagot naman niya na ikinainis ko. Napupuno na ako sa lalaking 'to. "Kasalanan mo naman kasi Lac! Magpapakita ka ng walang dahilan! Nagpakita karin ng mga kakaibang bagay, mga pangyayari na hindi ko ma-explain pero siguradong may koneksyon sa'yo! Isang akong tao na pinapairal ang ka-curiousan ko Lac! And you can't do anything with this! Aalis? Sige umalis ka! So what about it? Hindi naman din kita kaibigan, but you're responsible for this! Responsable ka sa pagkadamay ko, pero dahil I'm so considerate, sige, ako na ang may kasalanan dahil idinamay ko ang sarili, but please tell me about them, the villain witch and that wallry." Mahabang sabi ko. Nakatitig lang siya saakin. "Lian, telling Humans about our existence is a violation in our world." Sabi niya ng may pagkamahinahon. Siya nanaman ang mahinahon ngayon, ako nanaman ang na high-blood? "But why Sister Jane?" Tanong ko kaagad. "She's already a wanted person, kaya nga pinahuhuli siya ng mga nakatataas dahil lumaban siya sa batas namin." Sagot niya. "And so what? Pati din naman ikaw!" Sagot ko. "You don't understand anything, lahat ng mga narinig, lahat ng mga nalaman mo, parang tuldok lang kung ituring sa buong detalye, kaya Lian, ilayo mo na ang sarili, mapapahamak ka lang, Wallry isn't so considerate, kapag iniutos ng Villain Witch na patayin ang isang nilalang, in just a snap, Wallry will kill it. And now you're being targeted. Mamuhay ka ng normal, mamuhay ka gaya ng nakasanayan mo, basta mabuhay ka gaya ng dati, isipin mo na hindi totoo lahat ng ito, kalimutan mo lahat." Mahinahong sabi niya. Napatahimik naman ako at naramdaman ko narin ang paghinahon ko. "This is my life Lac, nakakatawa nga eh, sa panibagong pag-uumpisa ng buhay ko, saka ka naman dumating, the day before you arrived... I had an accident, at nagka-amnesia ako, kaya wala na akong kakalimutan pa, walang-wala na ako, ano pang mas masakit? Ang pakiramdam na hindi naman talaga ako nabibilang dito, Lac, hindi talaga ako nakatira dito, 'yon ang nararamdaman ko, at ang mga pangyayaring nakita ko sa panaganip ko na pawang memorya ko na ayaw lang yatang tanggapin ng utak ko ay hindi ko narin gustong balikan, they're so cruel to, life is so cruel to me, kailan ba ako matatahimik, kung babasehin sa mga pangyayaring nakita ko sa panaginip, namatay na ang mga magulang ko when I was 13 years old, our wealth has been corrupted by my Aunt, itinuring akong katulong, alila sa limang taon, they're monsters, tapos bigla akong naaksidente at nagising nalang ako ng walang maalala, tapos 'yan nagpakita ka, tapos nakita ko ang buhay ko dati na ayaw yatang tanggapin ng isip at puso ko, until now, walang-wala ako Lac, ano pa bang kakalimutan ko? 'Yung two weeks? Bata pa ako Lac, but I never felt happiness, kailan ba ako sasaya, tapos ito, ang mga pangyayaring 'to, nagpapatangay nalang ako, dahil wala nang direksyon ang buhay ko." Ayokomg umiyak sa harapan niya, pero masyado akong naging emosyonal sa harapan niya. "I-I'm sorry." Hindi, hindi 'yan ang gusto kong marinig. "Lac.... tanggap ko na lahat, tinanggap ko na ang mga nangyari, and this? I want to do what I want now. Please Lac.....isama mo ako sa mundo mo." For minutes, he was just staring at me, parang kinakabisado ang hugis ng mukha ko, ang emosyon ko, ang lahat ng pwede niyang makita sa mukha ko. And there was an emotion that I can't name that is written all over his face. "Lac.." Banggit ko sa pangalan niya. Pero hindi siya nagsalita, nakatitig parin siya sakin. Gusto ko, gustong kong mamuhay ng masaya, tahimik at 'yung totoong panibago, 'yung walang confusion sa lahat ng oras, at naniniwala na ako sa mundo ni Lac, kaya kung maaari gusto kong doon nalang ako pumunta. Wala naman akong pamilya dito, oo napamahal na ako sa mga tao dito but that still isn't enough. "Hindi pwede." Sa wakas ay nagsalita na siya pero nagulat ako. "Lac, parang awa mo na, I want to start a new life." I begged. Umiling lang siya. "Hindi ka pwede doon Lian, tao ka, isa akong Magus kaya nakakapunta ako sa mundong 'yon, your body will torn apart because of the intense air pressure, hindi pwedeng makatungtong doon ang mga ordinaryong tao, mamamatay ka lang." Paliwanag niya. Nalulumong tiningnan ko siya. "Lac..." "Please understand it Lian." Sabi niya at biglang tumalikod saka na umalis. Hindi ko na siya hinabol at nanatili lang akong nakatayo sa kinatatayuan ko. I'm so pathetic, damn it. Lacres' POV "Oh? Sinabi niya 'yun sa'yo?" Parang natutuwang tanong ni Ell pagkapasok ko sa silid na tinutuluyan ko. Umupo ako sa kama at napasapo sa noo ko. "What the hell am I going to do with her, Ell?" Tanong ko. "Nothing, alam ko naman na masaya ka Lac because she didn't judge you, instead tinanggap ka niya, ang pinagmulan mo and most of all.... ay gusto niyang pumunta sa mundo natin." Sagot ni Ell pero tiningnan ko lang siya ng masama. "And who cares kung tanggap niya lahat? As if I care." Sagot ko sakaniya. "No, you care! Everyone cares! Alam naman natin na hindi tayo tanggap sa mundo ng mga tao, ang tingin nila saatin ay mga maligno o ano pa man, but she didn't see you as gross as that. Tch, kung alam ko lang, isasama mo siya sa mundo natin kung pwede lang." Sabi niya kaya tiningnan ko siya ng mas masama. "Shut up Ell, I won't do that, hindi pa ako nasisirain para magsama ng tao doon." Sagot ko. "But she's different and I know, you feel it too." Sagot niya ulit. Seriously? He's not funny. "Can't you tell me a better answer? Tulungan mo ako kung paano mahandle si Lian." Sabi ko sakaniya at tumayo. "Hmm...if you're not really caring for her, edi huwag mo na siyang alalahanin." Sabi niya kaya napabuga ako ng hangin. "Ell." Tawag ko sakaniya ng may pagbabanta. "Okay! Okay! Fine, you're a Magus right? You're a Wizard right?" Sagot niya. "And what about it?!" "Tch, Lac, hindi ka naging Last Femigen para sa wala hindi ka naging Special Detective of the Supreme court of magic para sa wala lang. You're not Lacres Shun Femigen kung sa napakadaling problemang ito ay na-fufrustrate ka." Sabi ulit niya. Tiningnan ko lang siya ng lukot ang mukha. Bakit hindi pa niya ako diretsuhin? *sigh* "Tsk tsk tsk, Lac, kay Lian ka lang nagkakaganyan ah, pero sige dahil nakasarado ang utak mo at si Lian lang yata ang laman, sasabihin ko na sa'yo....since she's a human, and you--being a Wizard, you can erase and change her memories with you. Ito lang ang tanging paraan Shun, wala kang wand, ang natatanging bagay lang na meron ka ay ang Time Key, you can't also chant a spell here, your magic vessel has been sealed, because you were suspended by the Vice Prime Minister, right? This is the only way!" I was flattered... tama... siya but... "No, I won't do that." Sabi ko pero tumawa lang si Ell. "Why? Akala ko ba gusto mong ma-handle siya at makaalis ka ng hindi nababahala at hindi siya inaalala? Then do it, it's so simple." Natatawang sabi niya kaya sinamaan ko lang siya ng tingin. "There's no way I will do that, I won't kiss her." ** Lian's POV Nakaupo lang ako sa kama ko dito habang nakatulala. Tinanggap ko na lahat, pero ang hindi ko pa tinanggap ay ang mga memorya na pumapasok sa utak ko. As if they were just fake, not real. Yvette, Tita si Tito, ang Mama ko, ang Papa ko, ang pag-kaaksidente ko, yes everything was a clear vision but there's something strange. If I were remembering my memories....then, It won't be a vision that as if I was just watching a drama. "Aahhh! Fudge!" Sigaw ko saka ginulo ang buhok ko. Is it bad if I were to ask to have an amnesia again? Para makalimot na ako ng tuluyan. Damn, I'm so pathetic, really pathetic. Pinadausdos ko ang katawan ko pahiga ng kama. Napatitig ako sa kisame, this evening, Lac will return to his homeland, tomorrow, everything will definitely change, and the other day.... everything will be decided on what I will do tomorrow. Arrghh! Pinikit ko ang mga mata ko. If I just have a magical power, I will reverse everything. But life isn't life kung gano'n lang kadali, and I bet, even if I were to have a magical power, hindi rin ganoon magaging kadali ang lahat, because from the start, I'm just a human. Narinig ko naman ang pagbukas ng pintuan pero hindi ako nagmulat, hindi ba ito marunong kumatok kung sino man siya? I imagined myself sleeping, 'yung parang totoong-totoo akong natutulog, I hate people who doesn't know how to knock. Then, I will the one who would knock the hell out of her/him. Pero nagulat ako nang bigla itong umupo sa gilid ng kama ko. "Are you asleep?" Bigla naman kumabog ng malakas ang puso ko na parang kinabahan nang marinig ko ang boses ni Lac. Wala pang isang oras nang mag-usap kami, what is the meaning of this? Am I dreaming? Please wake me up -_-. Kahit gaano ko man kagustong bumangon at kausapin si Lac ay hindi ko ginawa, as if my body was drawn into a real sleep, while my mind is wide awake. "I'm sorry for messing with your life, pasensya na kung nagpakita ako ng biglaan at nadamay ka pa sa kalokohan ko. In my world, everybody can use magic, chanting spells, elements, curses, alot more, but in my homeland which is the Witch and Wizardry, may natatagong kadiliman, even if we were surrounded by magic, still, that magic was enveloped by evil. I was searching for the Pureblood because she was the one who can change our world, who can bring back peace. And I'm the Last Femigen, the clan of Time Travellers, kaya kong makabalik sa nakaraan para malaman ang totoong nangyari, but after I went to the past, dito ako dinala ng Time Key and I met you, the girl with an empty and lonely eyes. I'm sorry but I will make an end to your suffering, magsimula ka ng bagong buhay Lian. Farewell, Lian DeViccente. Kung pwede ko lang sabihin ng harapan kung gaano kita kagusto, I already said it, but I just can't, Your eyes captured my attention, that night, when I stared at your empty eyes..." Darn it..... what was that? Bubuksan ko na sana ang mga mata ko pero may bigla akong naramdamang humaplos sa pisngi ko and the next thing I felt is....a soft warm... lips, touching mine... Damn it, Am I dreaming?! Si Lac 'to 'di ba? 'Yung lalaking nababaliw? Na iniiwasan ko in the past two weeks? Na may sa-maligno pala.... Nanaginip ba ako? He's kissing me right? Or I'm just dreaming? I just can't open my eyes! Damn....what's happening? Bigla ko naman naramdaman na parang inaantok ako. But I want to talk to him if this is a reality! Lac! Gusto kong bumangon at komprontahim siya pero hindi ko namalayan ang paghila ng antok saakin, but I still had managed to mutter a word.... "Lac...."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD