Astrill's Point of View Hindi ko alam kung sino ang may gawa no'n at kung bakit niya 'yon ginawa. Pero isa lang ang masisiguro ko, malakas ang may gawa no'n dahil sa isang rason. Pinuntirya niya ang kinatatakutang Spiders. Tahimik akong naglalakad sa hallway habang malalim ang iniisip. Wala akong planong tapusin ang buong araw na klase na puro topic tungkol sa concert ang naririnig mula sa mga kaklase ko.Tinatakpan ng university ang insidente. Sanay na rin ang mga estudyanteng 'di makita ang Spiders dahil sa iba ang class room ng mga ito. May favoritism dito at kahit hindi man gustuhin ng ibang estudyante ay wala na silang magagawa dito. 'Who would oppose the will of Dark Family?' Wala lamang sa tamang isip ang gagawa nito dahil para ka na ring naghuhukay ng sarili mong libinga