Someone's Point of View "Master, sino ng ba si *********** para sa'yo?" tanong ni butler Tom sa'kin. Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang ako sa pagmamasid sa mga isda na nasa dambuhalang aquarium. "Tingnan mo ang mga isda Tom. Iniiwasan nila ang malalaking isda hanggat kaya nila, ang malalaking isda naman ay nagtatago sa madidilim na bahagi , hindi nila alam pinaglalaruan lang sila ng malalaking isda na nag-iintay sa tamang oras para tawagin ang pangalan ni kamatayan." Sa halip ay sagot ko sa kaniya. Tahimik lang si Tom na nakikimasid sa akin. Hindi siya tanga upang hindi maunawaan na ayaw kong sagutin ang tanong niya. 'Some things are not meant to be discovered yet' "Pero ginagawa ng mga maliliit