Chapter 15

1774 Words
"Hoy!" Bumalik sa mundo ang aking pag-iisip nang gulatin ako ni Psalm. "Ano 'yon?" tanong ko. "Anong ano 'yon?" tawa niya. "Kanina ka pa tulala diyan na parang ewan. Umagang-umaga na naman at wala ka na naman sa katinuan mo." "Tumigil ka nga. May iniisip kasi ako." "Ako ba 'yang iniisip mo?" nang-aasar niyang ngiti. "Di mo naman sinabi agad, edi sana hindi kita naistorbo." "Alam mo hindi ka lang feeling pogi, mayabang ka pa." "Ah, so hindi pala ako pogi. Feeling pogi lang?" "Hay, ewan ko sa 'yo!" Natigil lamang si Psalm sa pang-aasar sa 'kin nang dumating na ang instructor naming mainitin ang ulo. I was still a bit shy of Mr. Walton for sleeping in his class. Kaya naman simula nang makausap ako sa guidance, sinubukan ko nang hindi magpa-late at matulog sa kaniyang klase kahit na sobrang nakakaantok siyang magturo. At dahil gusto kong makabawi sa kaniya, I set aside first my unnecessary thoughts. It was a good thing that I was able to perform well in class this day. Napag-isip-isip ko rin na kailangan kong magbago para kay Mommy. If she knew I wasn't taking good care of myself as well as of my studies, she would get mad at me. I had so many promises to her, and I didn't want to break them. I knew it was hard, but I had to be strong. "Anong kakainin natin?" tanong ko kay Psalm. We were at the cafeteria because we were dismissed early. Kahit na wala pang lunch time ay naisipan na naming kumain dahil gutom na rin kami. "Dinuguan ulit," sagot niya. I groaned. "Dinuguan na naman? Hindi ka ba nagsasawa diyan? Lunes, Martes, hanggang Biyernes, dinuguan ang ulam natin. Kulang na lang ay maging bampira na tayo." "Eh, ang sarap kasi. Pero kung ayaw mo, hindi naman kita pinipilit. Go and get anything that you want, besides that's your life." "'Di ka magagalit?" He puckered his eyebrows. "Bakit naman ako magagalit?" "Kasi hindi tayo pareho ng ulam." "Parang sira," he laughed. "Hindi naman ako ganyan kababaw." "Well, naninigurado lang." "Sige na, kuha ka ng pagkain mo para makakain na tayo. Huwag kang mag-alala, hindi ako magagalit," he giggled. Kumuha na nga ako ng pagkain dahil ramdam kong nagwawala na rin ang mga alaga ko sa tiyan. I didn't eat breakfast because I didn't want to be late again for my first class. Actually, thirty minutes before the class ako nagising, kaya diretso ako sa banyo para maligo. Hindi na nga rin ako nakapag-ayos dahil kapag ginawa ko iyon, mahuhuli na naman ako, at siguradong malalagot na naman ako kay Mr. Walton. As I was getting food, I noticed Kye with my perspective view. He was getting himself some foods as well. I was thinking if I would go to ask him about what I had seen in the book, ngunit humahanap pa lamang ako ng magandang timing ay umalis na siya. "Hindi ka pa ba tapos?" biglang sulpot naman ni Psalm. "Malapit na, kumukuha na lang ng ulam," sagot ko. "Ikaw ba tapos na?" He nodded. "I'll just wait for you at the table." When I was done getting foods, sumunod na rin ako sa kaibigan ko. Habang kumakain ay hindi pa rin maalis sa aking mukha ang pagkadismaya. "Oh, ba't ganyan ang mukha mo?" tanong ni Psalm. "Hindi ba masarap ulam mo?" "Masarap." "Eh, bakit ka nakasimangot?" "Kailangan bang laging nakangiti?" "Hindi naman. I was just asking," he said. "By the way, kailan mo balak na puntahan ulit si Marcus?" I sipped a coffee. "I don't think I'd visit him again. After hearing what he had told you, parang ayoko nang makita pa ang mukha niyang mas demonyo pa sa demonyo. Saka alam kong wala akong mapapala sa kaniya. Kahit lumuhod pa ako sa kaniya, hindi siya magsasalita sa 'kin," wika ko. "Mas maganda na siguro kung ikaw na lang ang kumausap sa kaniya, kung kailangan man. Besides, I'm happy now that he's suffering in jail. Kahit papaano ay ramdam ko na ang hustisya." "That's good to hear." "But of course I will still not forget how he killed Mom. Kapag naiisip ko, ang sakit pa rin. Grabe kasi 'yong ginawa niya," singhal ko. "Hinding-hindi ko siya mapapatawad. Kahit uurin pa siya sa kulungan, walang kapatawaran ang ginawa niya." "Right. But you know, I'm so proud of you because you are so strong." "Of course you are with me, BFF," I smiled. "Hindi ko siguro kakayanin lahat ng 'to kapag wala ka. Like minsan, ang sungit-sungit ko na sa'yo, pero natitiis mo pa rin ako. Pero naman kasi, ang kulit mo rin minsan, na sobrang nakakaasar ka na." "Gusto lang naman kasi kitang pasayahin kahit papaano, pero sobrang pikon mo." "Pikon ba ako o sadyang nakakaasar ka lang?" "Sadyang pikon ka lang," ngisi niya. I was about to slap him, when someone called my name. I wandered around the cafeteria to know who was it, and in the doorway, I saw Lucille. Dahil sa lakas ng boses nito ay napatingin dito ang mga tao sa loob. "Teka lang, ha," paalam ko kay Psalm. "It's okay. Go ahead." I ran to Lucille and hugged her. "Ang ingay mo, nakakahiya ka." "Eh, nakita kasi kita agad. Saka na-miss kaya kita!" "Parang baliw 'to. Isang araw mo lang akong hindi nakita, na-miss agad?" "Aba, oo naman!" "So, bakit nga wala ka kahapon?" "Puwedeng umupo muna tayo saglit? Nakakahiya naman na nandito tayo sa daanan," she chuckled. "Oo nga naman. Ba't ba kasi nandito tayo?" tawa ko. "Tara doon sa table naming." "Hmp, ayoko. Dito na lang," turo nito sa table na nasa tabi lang namin. Nagkunot-noo ako. "Ba't ayaw mo r'on?" "Eh kasi nandoon si Psalm. Nahihiya ako sa kaniya." "Ba't ka naman nahihiya?" tanong ko habang paupo kami. "Eh kasi ang pogi niya, saka crush ko siya. Sa totoo lang matagal ko nang crush 'yan si Psalm, hindi nga lang ako pinapansin. Ilakad mo naman ako sa kaniya!" "Kung gusto mo itakbo pa kita papunta sa kaniya, gagawin ko." "Sige, sige, gusto ko 'yan!" she grinned. "Oo nga pala, tapos ko na 'yong schedule. Nabanggit na ba sa'yo ni Kye?" I nodded. "He told me about it yesterday." "Okay then, good," she smiled. "I'm not sure if pasado na 'yan sa'yo, but trust me inalam ko lahat ng schedule ng journalist natin para sure na walang matatamaan." "Yes, I trust you. Mag-isa mo lang ba?" "Of course no," she laughed. "Baka abutin pa ako ng pasko kapag ako lang mag-isa ang gagawa niyan. Syempre tinulungan ako ng sub-secretary natin at ng ibang officer, and ng mga SPA natin." "How about sa auditor? Nakita niya na ba 'to?" "Yes, madam. Bago pa 'yan nakarating sa 'yo ay nakarating na sa auditor." "Okay, good," I said. "I'll check this later and I'll let you know kung okay na." "Yes, sure," she said with a grin. "By the way, kukuha lang ako ng pagkain ko tapos mauna na rin ako, ha? I still have some things to do. Balik ka na sa kaibigan mo. Basta ipakilala mo ako sa kaniya, ha!" "Don't worry, kilala ka na n'on." Her eyes grew bigger. "REALLY?" Pinagtinginan kami ng mga tao dahil sa lakas ng boses ni Lucille. Minsan talaga ay hindi nito ma-control ang bibig nito, kaya unti-unti na rin akong nasasanay. "Ang ingay mo talaga." "Sorry na," she giggled. "I wanna hear more, pero hindi muna ngayon, okay? Basta I wanna hear more. Kapag napunta tayo sa newsroom, kuwentuhan mo ako, ha!" "Oo na, sige na. Kumuha ka na ng pagkain mo at baka hindi ka na makakain." Kilig na kilig itong nagpunta sa counter, samantala ay bumalik na ako sa table namin ni Psalm. "I'm back," ngiti ko sa kaniya. "Ba't ang ingay n'on?" agad na tanong niya. "Ah, wala, kinikilig lang sa'yo." "Huh? Kinikilig sa 'kin?" tawa niya. "Oo. Crush ka pala no'ng bruhang 'yon, eh. Kita mo at kinikilig-kilig pa," turo ko kay Lucille na naroon pa rin sa counter na pagdaka'y umalis na rin. "Hindi ako naniniwala." I looked sharply at him. "Parang sira? Pa-humble? Ano pa ba? "Totoo nga, hindi kapani-paniwala." "Sa rami ng mga nagkakagustong sexy at magagandang babae sa 'yo, ngayon ka pa hindi maniniwala?" "Eh, kasi naging crush ko rin 'yan si Lucille, eh." My lips automatically formed an o and my eyes grew bigger. "Totoo?" "Sabi-" He wasn't able to continue what he was saying when the buzzer rang. "Sabihin ko na lang sa 'yo sa ibang araw," he continued then. I had no choice but to follow him in the classroom. Besides, our first subject instructor was a bit strict too, ayoko namang mapagalitan ulit. As I took a seat and prepared myself for the discussion, I somewhat felt like I was gonna pee. "Umihi na ang gustong umihi at tumae na ang gustong tumae bago ako mag-start sa discussion para walang mangyaring interruption mamaya," sambit ng instructor. "I'm giving you ten minutes to do anything that's needed, huwag lang maingay." Abot langit ang ngiti ko sa narinig. Since she had only given us ten minutes, I went out already. Ihing-ihi na ako dahil mukhang naparami na naman ako sa tubig at kape, ngunit tila ba nawala bigla ang ganoong pakiramdam nang makita't makasalubong ko si Kye sa hallway. I was stopped from walking, samantalang tuloy-tuloy lamang si Kye. Bago pa man siya tuluyang makalayo ay pinigilan ko na siya. "Kye!" tawag ko sa pangalan niya. He stopped, and turned around me. Instead of talking back, he just raised his eyebrows. I walked a little closer to him. "Regarding the book you gave me..." Again, he didn't talk back, but just raised his eyebrows even higher. "May naiwan ka bang papel doon?" "Can't remember," he said in a cold manner. "Sa rami ng librong nasa shelf ko, hindi ko na alam kung anong mga inilagay ko r'on." "G-gano'n ba?" "Uh-huh. Is there any problem?" "W-wala naman... may nakita lang akong papel na nakaipit doon. I'm not sure if the paper attached in there was yours, but since it's your book, baka ikaw rin lang ang naglagay doon," sambit ko. "Then?" "I want to know a thing," tikhim ko. "Kilala mo ba si Marcus Draven?" There was silence. Wala ni isa man sa aming dalawa ang nagsalita pagkatapos n'on. We were just looking at each other. I was waiting for his reply, pero wala akong natanggap mula sa kaniya, ngunit nahuli ko siyang napalunok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD