NILALARO ni Cohen ang ballpen sa ibabaw ng kaniyang lamesa habang malalim na naman ang iniisip niya. Mukhang nakarating na naman sa ibang disyerto ang kaniyang utak sa sari-saring iniisip niya. Madalas pa siyang nagpapakawala ng malalim na buntong-hininga. Simula no’ng nagdaang gabi, hindi na natahimik ang kaniyang utak kakaisip sa babaeng nakita niya sa Anniversary ng Mueble Empresa. Hindi mawala-wala sa kaniyang isipan ang mga labi nitong sa isang iglap lamang ay inangkin niya. Tila ba’y naroon pa rin at nakalapat sa kaniyang mga labi ang mga labi nito dahil nararamdaman niya pa rin ang init niyon. Mga labing nagpapagulo sa buo niyang sistema simula pa noong gabing iyon. “Are you okay, Cohen?” tanong sa kaniya ni Eliza. Hindi niya manlang namalayan na nakapasok na pala ang dalaga sa lo