“ITAY, bakit gising pa po kayo?” bungad na tanong ni Hada sa kaniyang Tatay nang pagpasok niya sa loob ng kanilang bahay ay nadatnan niya itong nasa sala pa at nakaupo sa sofa. Kaagad niyang ibinaba ang bag pagkuwa’y lumapit sa matanda upang mag mano rito. “Lagi nalang po kayo late matulog.” Saad pa niya na may pag-aalala para sa matandang Minandro. “Malakas kasi ang ulan kaya hindi ako makatulog. Nag-aalala ako sa ’yo.” Turan naman nito. “Bakit ngayon ka lang anak? Napapadalas ata ang pag-uwi mo ng gabi na.” “Pasensya na ’Tay... may kinailangan lang po kasi akong tapusin sa opisina kanina. ’Tsaka, magpapaalam na rin po ako sa ’yo,” aniya na kaagad din namang umupo sa tabi ni Minandro. Kunot ang noo ng matanda na napabaling ang tingin sa anak. “Magpapaalam? Bakit saan ka pupunta?” “E,