“BAKIT ka nga ba biglang nagsuot ng ganiyan, Hada?” hindi rin makapaniwalang tanong sa kaniya ni Rowena habang nakaupo ito sa puwesto niya at kanina pa siyang sinusuyod ng tingin mula ulo hanggang paa. “Ano... ano ba ang nangyari? May nakain ka bang kakaiba kaya ka nagkaganiyan?” “Okay fine! Sasabihin ko na,” aniya. Saglit niyang iginala ang paningin sa buong paligid upang tingnan kung may ibang tao ba ang nandoon at makakarinig sa sasabihin niya. Nang masigurong wala ay sumenyas siya sa dalawang kaibigan na lumapit sa kaniya. Ipinatong niya sa balikat ng dalawa ang kaniyang mga braso at pabulong na ipinagtapat ang mga nangyari sa kanila ni Cohen sa nagdaang araw. “O—” titili na sana si Adrian dahil sa sobrang pagkabigla sa mga nalaman nito, pero kaagad na natakpan ni Rowena ang malaki