MAHAL KO, ano pa ang ginagawa mo rito?” tanong ni Don Simon sa asawang si Ximena nang pagkababa nito sa kanilang kusina ay naroon pa ang asawa at kung anu-ano ang kinukutingting. Saglit naman itong napalingon sa asawa pagkuwa’y muling ipinagpatuloy ang ginagawa. “Mahal ko, Ximena!” muling sambit nito. Nang tuluyang makalapit sa asawa ay kinuha nito sa kamay ni Señora Ximena ang hawak na basahan at hinila ito palapit dito upang gawaran ng mahigpit na yakap. “What are you doing? It’s already late. Dapat nasa itaas ka na at nagpapahinga. Akala ko sumunod ka na sa ’kin e!” saad pa nito. “E mahal ko, hindi pa ako dalawin ng antok. Alam mo naman na ito lang ang libangan ko kapag hindi pa ako makatulog,” tugon naman ng Señora at ginantihan ang mahigpit na pagkakayakap ng asawa. “Umakyat ka na