NAGMAMADALING tumatakbo si Hada sa mahabang pasilyo ng ospital para tunguhin ang Emergency Room. Malayo palang ay tanaw na niya si Hugo na nasa labas ng kuwarto at tahimik lamang na nakaupo sa upuang naroon sa gilid. “Hugo,” “Ate!” anito at nagmamadaling napatayo sa upaun upang lapitan ang dalaga. “Ang tatay? Si tiya Felipa?” bakas pa rin sa hitsura niya ang labis na pag-aalala maging ang mga luha sa kaniyang pisngi dahil sa nangyari sa dalawang matanda. “Nasa loob pa ate.” “Ano ang nangyari? Bakit—bakit isinugod mo sila rito?” “Kanina pagdating ko sa bahay, nadatnan ko si tatay Minandro at tiya Felipa na nakahandusay sa sahig at parehong wala ng malay. Hindi ko alam kung ano ang nangyari ate. Tapos ang sabi pa ng doktor kanina, hindi na raw umabot ang tiya Felipa. Ang tatay naman ay