“ARE YOU HAPPY?” tanong ni Cohen kay Hada habang magkahawak kamay silang naglalakad palabas ng amusement park. Maghapon man silang naglibot at sumakay sa iba-ibang rides sa amusement na iyon, hindi alintana para kay Cohen ang pagod lalo pa’t si Hada naman ang kaniyang kasama. Aaminin niyang, medyo childish ang mga ginawa nila ngayon, but at some point he enjoyed the whole time. Never na ginawa ni Cohen ang mga gano’n kahit noong bata pa siya at sa dalawang nakarelasyon niya dati. Noon kapag nakikipag date siya sa girlfriend niya, puro lamang sa mga exclusive na lugar at mamahaling kainan sila nagpupunta, that’s because his girlfriend insisted. Pero si Hada? Doing those things for the whole day with her was incredibly amazing. Hindi niya inaasahan na mag i-enjoy siya sa date nilang iyon. At