NAKATUON sa labas ng bintana ang buong atensyon ni Hada dahil sa kakaibang kaba na kaniyang nararamdaman habang nasa biyahe na sila ni Cohen. Hindi naman ito ang unang beses na nakasama niya ang binata sa loob ng sasakyan nito, pero ito ang unang beses na makakasama niya si Cohen ng matagal habang nasa biyahe sila. Uneasy, kinakabahan, parang sinisilihan ang puwet niya na hindi niya maintindihan. Hindi niya alam kung ano ang gagawin; kung dapat ba niyang kausapin ito habang nagmamaneho at nasa gitna sila ng mahabang biyahe o hahayaan na lamang niya ang sarili na isiksik sa gilid ng pinto at manahimik. Halos nangangalay na rin ang kaniyang leeg kakalingon sa kanang bahagi niya. “Are you okay?” mayamaya ay binasag ni Cohen ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Bahagya pa itong lumingon