CHAPTER 9

3486 Words

MASAKIT ang mga paa at nanginginig ang mga binti na napaupo si Hada sa isang silya na nasa rooftop ng Mueble Empresa. Pakiramdam ng dalaga sugat na ang mga hinliliit niya sa paa dahil sa heels na suot niya. Nangangalay din ang kaniyang mga binti dahil sa pagparoo’t parito niya kanina sa buong Function Hall. Kung alam niya lang na mag ma-marathon pala siya sa gabing iyon dahil sa kaliwa-kanang utos ni madam Eliza sa kaniya e ’di sana hindi na siya nagsuot ng gano’ng sandals, sana nagflat shoes na lang siya. “Hay!” napapabuntong-hininga pa siya nang malalim matapos tanggalin ang heels na suot niya at iniapak sa malamig na semento ang mga paa. “Akala ko mag i-enjoy ako sa party-ing ito,” aniya sa sarili. “Hindi ko manlang nakita si sir Cohen. Hindi ko manlang nakita ang hitsura niya ngayon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD