KINABUKASAN ay magaan ang pakiramdam ni Hada nang magising siya. Hindi pa man tuluyang naimumulat ang mga mata ay malapad na ang ngiting nakapaskil sa mga labi niya. Mayamaya ay agad siyang nagpagulong-gulong sa ibabaw ng malapad na kama. Kung hindi pa niya pinipigilan ang kaniyang sarili, malamang na tumili na siya roon ng malakas dahil sa kilig na kaniyang nararamdaman mag mula pa sa nag daang gabi. “Hay! Ganito pala talaga ang pakiramdam ng in love,” aniya sa sarili. Correction, ganiyan ang pakiramdam kapag nababaliw na Hada! Mabilis na pagsingit ng kaniyang isipan. Pero sa halip na sumimangot dahil sa kontrabida niyang konsensiya, tumayo siya sa kama na hindi pa rin napapalis ang mga ngiti sa kaniyang mga labi at nagtuloy sa banyo upang maligo. Panigurado kasi siyang mayamaya laman