“BUENO ATTORNEY, sa ’yo ko na ipagkakatiwala ang lahat.” Anang Señora Clara sa isang lalaki na medyo may edad na rin. Ang private attorney nila ng namayapa nitong asawa na si Señor Matias. Tumayo mula sa kinauupuang sofa ang lalaki at nakipagkamay sa señora na ngayon ay nakaupo sa wheelchair nito. “Makakaasa po kayo sa tapat na trabaho ko sa inyo señora. Huwag po kayong mag-alala.” “Mabuti kung gano’n.” “Paano po, mauuna na ako at may importante rin po akong lakad kasama ang pamilya ko.” Anito na yumuko pa sa matanda. Pero bago pa man makakilos sa puwesto nito ang lalaki ay muling nagsalita ang señora. “By the way, this is for you,” anito pagkuwa’y inabot sa lalaki ang isang puting sobre na naglalaman ng malaking halaga ng pera. Nagtataka naman ang huli na tinanggap iyon. “Para saan