BIGLANG napabalikwas nang bangon si Señora Ximena mula sa mahimbing na pagkakatulog nito. Hinihingal at pawisan pa itong napaupo sa kama. “Ximena? Why? What happened?” may pag-aalalang tanong ni Don Simon sa asawa nang ilapag sa ibabaw ng sidetable ang libro na binabasa nito. Wala pang isang oras mula nang makatulog sa tabi nito ang kaniyang asawa, pero nagulat na lamang ito nang biglang magising ang asawa at mapamulagat. “Are you okay?” tanong nitong muli pagkuwan ay iniabot dito ang baso ng tubig na kinuha nito mula sa bedside table. “Simon—” tila nahihirapan pang sambit nito sa pangalan ng asawa. “Yeah? What happened? Are you dreaming or something?” “M-may napanaginipan lang ako. I don’t know pero... pero may babae raw na nasagasaan.” Saad nito sa asawa habang hinahabol pa rin ang