“KUYA, hindi na ako bata para hindi mo payagan sa mga lakad ko. I promise you naman po na mag b-behave ako ’di ba? So please, payagan mo na ako!” pangungulit ni Enara sa kapatid habang nakatayo pa rin ito sa tabi ng binata. “Please!” “Enara, hindi mo kabisado ang Manila. Paano kung mawala ka?” seryosong nakatingin si Cohen sa nakababatang kapatid. “I have phone. Tatawagan kita kapag nawala ako. Just please allow me!” mabilis na saad nito sa kapatid at ipinagsalikop pa ang mga palad. “Isa pa, mga kaibigan ko naman po ang kasama ko e! Kung gusto mo, ikaw na mismo ang sumundo sa ’kin sa bahay nina Yana mamayang gabi para hindi ka na mag-alala.” Muling saad pa nito. Wala naman nagawa ang binata kundi ang magpakawala ng malalim na buntong-hininga pagkuwa’y napasandal sa sandalan ng swivel ch