MAAGA pa lamang ay gising na si Hada para asikasuhin ang kaniyang Tatay. Nagluto siya ng agahan para sa kanila pagkatapos ay sinamahan niya itong mag paaraw, para naman kahit papaano ay mawala ang pag-uubo nito. Nakaupo lamang ito sa isang silya habang siya naman ay abala sa pagdidilig ng halaman na itinamin ng tiya Felipa niya. “Anak!” Natigil ang kaniyang ginagawa nang marinig niya ang pagtawag sa kaniya ng kaniyang Tatay. “Po? May kailangan po kayo?” tanong niya na agad ding ibanaba ang tabo na hawak niya at lumapit sa ama. “Pakikuha nga ako ng box na nandoon sa ibabaw ng kabinet ko.” Utos nito. “Sige po ’Tay. Saglit lang.” Aniya at agad ding tumalima. Pumasok siya sa kanilang bahay at tinungo ang silid nito. Mayamaya ay lumabas din siya ng bahay habang dala-dala ang isang pulang