NAGING NAPAKABILIS ang pag-lipas ng mga oras at bawat araw para kay Hada habang naroon sila sa Casa de Paraiso. Dahil sa pagiging abala sa trabaho ay hindi na niya namalayan na tatlong araw na pala silang namamalagi roon ni Cohen. Ang buong akala pa niya noong una ay makakapag-relax siya kahit papaano at ma-experience ang Resorts na iyon. Well, kung sabagay... trabaho naman talaga ang ipinunta nila roon ng binata at hindi upang mag relax at magpakasaya. Masaya rin siya na lahat ng deal ng Mueble Empresa ay natanggap ng tatlong kumpanya na kilala sa bansa. And it’s because, magaling makipag-usap si Cohen sa mga katrabaho nito. Tunay ngang magaling ang binata sa larangan ng negosyo. “Are you ready? Wala ka na bang nakalimutang gamit mo?” tanong ni Cohen sa kaniya nang makalabas siya sa sili