"GOOD EVENING Mr. and Mrs. PenaVega, this way please." bati ng isang waiter sa mag-asawa pagkapasok ng mga ito sa mamahaling restaurant na iyon. Iginiya nito ang mag-asawa palapit sa spot na pinili ni Hector. Wala sa sariling inilibot ni Pipay ang ang paningin sa buong paligid lalo na nang mapansin niyang walang katao-tao sa loob ng kainan na iyon kundi sila ng kaniyang asawa at ang tatlong waiter na mag aasikaso sa kanila. Sarado na ata `to e? Nagtatakang tanong ng isipan ni Pipay. Pinaghila naman kaagad siya ni Hector ng upuan nang makalapit sila sa tapat ng lamesa. Pagkatapos ay `tsaka ito umupo sa kaniyang puwesto. "A, b-bakit tayo lang ang tao rito?" nauutal at hindi mapigilang tanong niya sa asawa. "I rent the whole place." nakangiti at tipid na sagot ni Hector. Kaagad nitong ni