"OH, IKAW NGA! Akala ko namamalikmata lang ako nang makita kita kanina." nakangiting saad ni Hunter at kaagad na naglakad palapit kay Pipay. "H-hunter?" kunot ang noo; nauutal na sambit ni Pipay `tsaka niya binalingan ng tingin ang kaniyang asawa nang maramdaman niya ang paghigpit ng hawak nito sa palad niya. Medyo nakaramdam pa siya ng sakit doon. "How are you?" nakangiti pa ring tanong nito. Mayamaya ay tinapunan din nito ng tingin si Hector. "Oh! Who is he?" although medyo pamilyar sa kaniya ang hitsura nito. Parang nakita niya na ito somewhere. "A, s-si—" nauutal pa rin si Pipay at muling tiningnan ang asawa. "I'm her husband." mabilis na sagot ni Hector. Kinakabahan naman si Pipay dahil sa nakikita niyang pag-iisang linya ng mga kilay ng kaniyang asawa. Ganitong-ganito rin kasi a