"CAN I dance with you, wife?" tanong ni Hector kay Pipay nang makatayo na ito sa tabi ng asawa. Walang pagdadalawang-isip naman na tinanggap ni Pipay ang nakalahad na palad ng kaniyang asawa habang halos mapunit na ang kaniyang mga labi kakangiti rito simula pa kanina. Dinala siya ni Hector sa gilid ng bonfire at doon ay kampanti at magkayakap na sumayaw. Parehong sumasabay sa malamyos na tugtog ng musika na nanggagaling sa violin 'di kalayuan sa kanila. Hindi sapat ang malamig na simoy ng hangin na nanggagaling sa malawak na karagatan na dumadampi sa mga balat nila sa oras na iyon upang hindi nila maramdaman ang init ng pagmamahal nila sa isa't isa. Ang init ng mga katawang tunay na nagmamahalan. "Masaya ako ngayon mahal ko! Salamat at dinala mo ako rito." mahinang saad ni Pipay sa asa