"PIPAY! Pipay! Pipay! Umayos ka nga! Ano ba'ng nangyayari sa `yo huh? Bakit lagi ka nalang nagpapadala sa mga halik niya sa `yo?" panenermon ni Pipay sa sarili habang hindi siya mapakali. Paroo't parito ang lakad niya sa loob ng kaniyang kuwarto. Hindi pa rin siya maka-get over sa mga nangyari sa kanila ng kaniyang asawa kanikanina lamang. Muntikan nang may mangyari sa kanila ni Hector. Laking pasasalamat lang niya nang may mang isturbo sa kanila. Bigla kasing nakatanggap ng emergency meeting ang asawa mula sa opisina nito. Nagalit pa nga ang huli at ipinaggiitan nito na kanselahin ang lahat ng meeting nito sa araw na iyon, ngunit wala ring nagawa ang Hector kundi ang tumayo at mag bihis para pumasok sa trabaho. "I'll be back baby, okay! Just wait for me. Huwag kang lalabas ng bahay. Sagl