Lasing na si Isabella!kanina pang pinipigilan ito ni Jake sa kakainom pero hindi naman ito paawat!sige pa rin ito sa kakainom!
"Jake letsh dance-----hahaha!"si Isabella! hinihila nito si Jake para sumayaw!
Nahila naman nito si Jake!nabubuwal buwal pa si Isabella!
Inilagay ni Isabella ang mga kamay nito sa leeg ng binata!
"okay ka lang ba Isabella?----mi problema ba?----"nag aalala namang si Jake sa dalaga!
"haha sha tingin mo okay ako ha Jake?----"si Isabella na ipinilig ang ulo nito sa balikat ni Jake!
Hanggang sa walang ano anong tumulo ang mga luha nito!
Hinayaan na lamang ni Jake na umiyak sa balikat nito si Isabella!
Sa isang sulok ng bulwagan ay mi mga matang kanina pang nag aapoy sa galit habang pinagmamasdan nito ang dalawa na halos magkayakap na sumasayaw!si Marcus!
Akma sanang lalapitan ni Marcus ang dalawa na nagsasayaw ng bigla namang tumunog ang phone nito!
"hello!"
"ano?!-----dapat dinala mo na agad!hindi yung tatanungin mo pa ako!"
"ipunta mo na!didiretso na lang ako ng hospital!"si Marcus!
Tumingin naman muna siya sa kinaroroonan ni Isabella at ng lalaking kasama nito!naikuyom ni Marcus ang mga kamao nito bago ito umalis!
~~~~
Nagising si Isabella sa isang hotel!nagtaka ito kung paano siya napunta rito!mayamayay mi nakita siyang note sa bedside table nito!
"goodmorning!-----hindi ko kasi alam kung saan kita ihahatid kaya dinala na lang kita rito sa hotel...wala akong ginawa sayo wag kang mag alala-----tawagan mo ko kung kailangan mo ng kausap..inilagay ko na din yung number ko sa phone mo hehehe..Jake-------"galing ang note kay Jake!
Napangiti si Isabella sa nabasa!hanggang sa nag ayos na si Isabella para makauwi!
Pagbaba ni Isabella ng Hotel ay nakita nito si Marcus papasok ng hotel!
Natigilan si Isabella gayundin si Marcus!
Nagkatitigan ang mga ito!
Nanunuri ang mga tingin sa kanya ni Marcus!
Kunot noo din siyang pinasadahan nito mula ulo hanggang paa!tila nandidiri ito sa paraan ng pagkakatitig nito!
Kakikitaan din ang mukha nito ng matinding galit!
Napalunok si Isabella sa tinging ipinupukol sa kanya ni Marcus!nagpatuloy na lamang si Isabella at mabilis na naglakad palabas ng hotel!
Akmang sasakay na si Isabella ng taxi nang biglang mi humablot sa kamay nito at pabalibag na isinara muli ang pinto ng taxi!
"M-Marcus?!-------"gulat at nahintakutang si Isabella!
Nag aapoy sa galit ang mga mata ni Marcus!
Hinila siya nito hanggang sa parking lot ng Hotel kung saan naroon din ang sasakyan nito!
"Marcus ano ba!!!!!!---------nasasaktan ako!---"si Isabella!
"talagang masasaktan ka sa pinaggagawa mo!------anong ginagawa mo dito sa hotel ha?!-----ganyan ka na ba talaga?!sumasama ka na lang kung kani-kaninong lalaki?!----s**t!!!------"nag aapoy sa galit na bulyaw sa kanya ni Marcus!
Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Isabella kay Marcus!bigla din umagos ang mga luha nito!
"bakit totoo naman ah!----kagabi mo lang nakilala yun pinagbigyan mo na!?----bakit ako hindi mo mapagbigyan ha?kaya ko din naman gawin ang mga ginagawa nila sayo!----mas hihigitan ko pa!---"pang iinsulto pa ni Marcus kay Isabella!
"ano naman kung totoo?!-----bakit ano ba kita?di ba wala naman?!------so stop acting like a jealous boyfriend!!!----"lakas loob na sambit ni Isabella!
Mapait namang tumawa si Marcus!tila hindi makapaniwala sa sinabing iyon sa kanya ni Isabella!
Nagtagis ang mga bagang nito!
Hanggang sa bigla na lang siyang isalya ni Marcus sa sasakyan at marahas na inangkin ang mga labi nito!mapagparusa ang mga halik nito kay Isabella!
Inipon naman lahat ni Isabella ang lakas nito para maitulak ang binata!ubod lakas niya itong itinulak!
"ayoko na!--------lumalayo na nga ako hindi ba?!-----pero ikaw yun lapit ng lapit sakin!!------at hindi mo alam ang epekto nun sakin Marcus!!-----"umiiyak na sigaw ni Isabella!
Napatigil si Marcus at tila napako ito sa kanyang kinatatayuan!
"natutuwa ka bang nakikita akong ganito ha Marcus?! -----na nakikita mo akong nahihirapan? at baliw na baliw pa rin sayo?!Oh eto na!--------eto na ko oh!!!!-----------tignan mo ako ngayon Marcus!!!!!!-------arent you satisfied?!-------"nanghihinang si Isabella sa sobrang sakit ng nararamdaman nito!
Hindi nakaimik si Marcus!
Akmang aalis si Isabella nang bigla nitong hawakan ang braso nito!
"bitawan mo ko!!-----"matigas na sambit ni Isabella!
Unti unting lumuwag ang pagkakahawak ni Marcus sa braso ng dalaga!
Mabilis namang tinalikuran ni Isabella si Marcus!
~~~~
Halos isang linggo na ang nakakaraan mula nang maganap ang komprontasyon ni Marcus at Isabella sa parking lot!
Kasalukuyang nasa kasal si Isabella!
Isa siya sa mga bridesmaid nang kaibigan nitong si Catherine!nasa reception ang mga ito!
Nag-uusap usap ang tatlong magkakaibigang sina Celine,Isabella at Catherine!kasama rin si Cedric na nasa tabi lang rin ni Catherine!
"napakaganda mo Cath at ikaw din fafa Cedric napakagwapo mo!hihi!----grabeh nauna ka talagang ikinasal sa atin ha!----"nainggit namang si Isabella!
"oo nga ee!----akala nga namin ikaw mauuna noh!ikaw kasi yung haliparot sa ating tatlo eh!hahaha-----"sabat ni Celine kay Isabella!
"ako na naman nakita mo bruha!----"si Isabella sabay irap kay Celine!
"hahahahah!----"nagtawanan naman ang tatlong magkakaibigan!gayundin si Cedric na nasa tabi lang rin ni Catherine!
"masaya rin ako para sa inyo bessy!---ang swerte mo ang gwapo ng napangasawa mo ha!ayts kakainggit!hahaha----"si Celine na kinikilig kilig pa!
"nainggit ang bruha!hahaha!----"si Isabella!
"oh bakit ikaw meron?---"si Celine!
"well... i always get what i want!----"pagtataray ni Isabella!
"ows?really?----eh bakit si Mar---"si Celine na hindi na naituloy pa ang sinasabi nito!
Bigla kasing dumating si Marcus!natahimik si Isabella!
"congratulations!-----pasensya na hindi nako nakapunta sa simbahan-----"si Marcus!
"bro!----"si Marcus na kinamayan pa si Cedric!
"ok lang Marcus----ang importante andito ka ngayon.."nakangiting si Catherine!
Inimbitahan din kasi ng mga ito si Marcus dahil malapit ding kaibigan ng mga Ramirez ang mga Gallego!at kaibigan din ni Catherine si Marcus!
"bigla atang natahimik yung isa jan-------"si Celine na pinaparinggan si Isabella!
Siniko ni Celine si Isabella nang bigla na lang natahimik at hindi mapakali sa kinatatayuan nito!hindi rin ito makatingin ng diretso sa bagong dating na si Marcus!
Hanggang sa dumistansya ng konti ang tatlong magkakaibigan habang si Marcus at Cedric ay matamang nag uusap!
"ano na naman yang mga tinginan niyong yan sakin ha?----"taas kilay na si Isabella sa dalawa nitong kaibigan!
"okay ka lang ba?----"si Catherine!napansin kasi nito na nag iba ang aura ng kaibigan!
"duh!!----oo naman noh!haha!----okay pa sa okay!ang OO-A niyo mga bruha!hahahah----"si Isabella!pilit pinapakalma ang sarili!
"sigurado ka?---bakit parang natahimik ka ata kanina? tas parang nag iba din ang kulay mo!haha!---"si Celine!
"oo nga!--"si Catherine!
"mga bruha tigil tigilan niyo nga ako!---kay Catherine ang moment na ito okay?----"pag iwas ni Isabella!
Nagkatinginan na lamang sina Celine at Catherine!
~~~~
Mayamayay handa nang itoss ni Catherine ang bouquet nito para sa mga kadalagahang naroon!
Syempre kasali rin sa sasalo ang dalawa nitong kaibigang sina Celine at Isabella!
Tumalikod si Catherine at inihagis patalikod ang hawak nitong bouquet!nasalo ito ni Isabella!
"wow ha susunod ka na friend!hahahah!----sino kaya?hmmm?----andito kaya siya----?"nanunukso namang si Celine kay Isabella!
"tse!wag ka ngang manira ng moment jan!----ang ganda kaya nitong mga bulaklak oh!inggit ka lang!----"si Isabella na inirapan pa ang kaibigan nito!
"hahahah!"tatawa-tawa namang si Celine!
~~~~
Samantala nakatuon naman ang paningin ni Marcus sa babaeng nakasalo ng bouquet!napangiti ito nang makitang masaya itong nakipag-agawan sa bouquet ni Catherine!
Mayamayay handa na din ang mga ilang kabinatahan na saluhin ang wedding garter na isusuot sa hita ng babaeng nakasalo ng bouquet!itotoss din ito ni Cedric!
"ayan na!ayan na!-----ang gwagwapo ng mga sasalo oh!----"si Celine na siniko pa si Isabella!
Napatingin si Isabella sa mga lalaking handang sumalo ng wedding garter!
"oo nga noh?hahaha!----"tuwang tuwa namang si Isabella!
Hanggang sa walang ano anong tumayo si Marcus at nakisali rin sa mga sasalo ng garter!
Napataas ng kilay si Isabella nang makita nito si Marcus na makikisali rin!biglang kinabahan si Isabella!
Hindi din malaman ni Marcus kung bakit bigla na lang nitong naisipang sumali sa pagsalo ng garter!dahil ba si Isabella ang nakasalo ng bouquet kaya gusto din niyang siya ang makakuha ng garter?
Pumwesto si Marcus sa bandang likuran!wala naman kasi siyang balak makipag agawan sa garter pero sa di inaasahan ay nahulog na lang basta ang garter sa mga kamay nito!
Nanlaki ang mga mata ni Isabella nang makita nitong hawak hawak na ni Marcus ang garter!nasalo ito ni Marcus!
Samantala pupunta ang mga nakasalo ng bouquet at garter sa harapan!
Isusuot kasi ang garter sa hita nang dalagang nakasalo ng bouquet!
Nag alangan pang pumunta sa harapan si Isabella!
Samantala nagkatinginan naman sina Celine at Catherine!alam kasi ng mga ito ang hidwaan ng dalawa!
Pumunta na lamang ang dalawa sa harapan!
Hindi makatingin si Isabella kay Marcus!habang si Marcus ay titig na titig sa kanya!
"excuse me?---------"si Isabella!kausap nito ang wedding organizer!
"yes miss?----"ang organizer!
"ahm----i think yung mga single lang ang pwedeng sumali hindi ba?----and this man here----he is not qualified!----"mataray namang si Isabella!
"oh yeah yeah!---so mister are you with someone or youre married?----"tanong ng organizer kay Marcus!
"no im not!----im so much available right now!-----"si Marcus na tumingin pa kay Isabella!
"im always available----"pagbibiro pa ni Marcus na tumingin pa sa mga naghihiyawang mga kadalagahan!
Kinikilig kilig naman ang mga ito!
Nagusot ang mukha ni Isabella sa sinabing iyon ni Marcus at sa mga babaeng naghihiyawan!
"napakasinungaling talaga------"bubulong bulong na si Isabella!napairap na lamang ito sa binata!
Agad na lamang umupo si Isabella!gusto na nitong matapos agad!
Naghihiyawan ang mga bisitang naroon!excited ang mga ito na isuot ni Marcus ang garter sa legs ni Isabella!
Mayamayay lumuhod si Marcus at hinawakan ang isang paa nito!marahan din nitong tinanggal ang heels ng dalaga at ipinatong ang paa sa lap nito!
Napapabuntong hininga si Isabella habang nakatuon ang paningin nito sa isang sulok!
Unti unting isinuot ni Marcus ang garter paitaas sa mga hita ni Isabella!
Ramdam ni Isabella ang mainit na palad ng binata at ang kakaibang hagud ng mga daliri nito sa kanyang binti!tila sinasadya ito ni Marcus!
Pilit pinipigilan ni Isabella ang panginginig ng katawan nito sa pagkakahawak sa kanya ni Marcus!
"higher!higher!higher!"kantyaw ng mga bisitang naroon!
~~~~
[Notes of Love]
Maraming salamat!