CHAPTER 2 The Wedding

1483 Words
-Belle- "Po!! Lolo,seryoso po ba kayo!" Hindi ako makapaniwala na bukas ay ikakasal na ako.Sinampal ko ang aking pisngi,baka panaginip lang ito.Pero masakit, ibig sabihin totoo lahat ng naririnig ko sa aking lolo. "Belle louise, bente ka na pwede ka na mag asawa." Natawa ako sa sinabi ni lolo,hindi pa nga ako tapos sa kolehiyo,tapos ito ipapakasal niya ako sa hindi ko kilala. " Lolo,haist! ano ba naman naiisipan mo lolo?, bata pa po ako para sa ganyan." Wika ko kay lolo,Tumabi naman ito sa akin sa mahabang upuan namin dito sa terrace.Bumuntong hininga pa ito bago nagsalita muli. "Apo,Mabait kang bata at maunawain,alam ko maiintindihan mo rin ako apo." Ako naman ang napabuntong hininga,Paano ko ba maiintindihan ang sinasabi ni lolo, kung hindi nito ipapaliwanag ng maayos. "Lo,paano ko mauunawan at iintindihin 'yang sinasabi niyo.Masyadong magulo po eh, imagine wala po ako ka-malay malay ikakasal na pala ako, at take note bukas agad agad!! talaga ba lo, hahaha" Natawa ako ng mahina,siguro nagbibiro na naman ang lolo ko,Mapagbiro pa naman ito.Ngunit ng tingnan ko ang mukha nito seryoso itong nakatingin sa akin.Kaya naman umayos ako ng upo,saka nag seryoso na. "Lo,sabihin niyo nga may problema po ba?" Hinawakan ko ang kamay nito,at hinawakan rin naman nito ang kamay ko. "Apo,patawarin mo sana ako kung ipapakasal kita sa apo ng matalik kung kaibigan na si Steve Montemajor." Nanlaki ang mga mata ko,tama ba ako sa narinig ko apo ni Don Steve ang mapapangasawa ko.Humarap ako kay lolo na bahagya pang nagulat sa naging reaction ko. "Lo!,Ibig mo bang sabihin S-Si Ryker Montemajor! ang mapapangasawa ko?!" Dahan dahan tumango tango si lolo,nakaramdam ako ng kaligayan at konting kaba.Si Ryker lang naman ang lalaking lihim kung minahal bata pa lamang kami.Ngunit hindi nito alam ang tungkol doon,lagi lang ako nakamasid noon kay Ryker sa malayo. "Ohh!!, bakit parang masaya ka na ata ngayon apo?" Wika ni lolo sa akin, lihim akong nagpasalamat sa panginoon dahil ang pangarap kong lalaki noon ay siya nang magiging asawa ko pala. "Lo,payag na po ako magpakasal gusto niyo kahit ngayon na e! hahaha." Natawa naman ng malakas si lolo.Maya maya dumating ang matalik nitong kaibigan na si Don Steve Montemajor. "Steve,Halika pumasok ka!" Sinalubong ito ni lolo,dalian naman ako sa pag bless kay Don Steve. Mabait ito sa akin at parang apo na rin ang turing sa akin.Mahilig itong mag kwento tungkol sa apo niyang si Ryker,Kaya naman nasubaybayan ko ang kalagayan ni Ryker sa state,dahil sa mga kwento ni Don Steve. "Hello, Belle, nasabi na ba sayo ng iyong lolo ang tungkol sa kasal?" Medyo nahiya ako ipakita na tuwang tuwa ako sa balitang 'yon ni lolo.Kaya naman tumango tango na lamang ako. "So! ibig sabihin ba Iha,pumapayag ka na makasal sa aking apo na si Ryker?" Tumingin ako kay lolo na naka ngiti lamang sa akin. "Ahh! ehh!, Ha.ha mag iinarte pa po ba ako Don Steve, ha,ha sa itsura ko pong ito hindi bagay ang magpakipot pa! Baka nga po kahit mukhang Unggoy hindi ako magugustuhan e! Chossy pa ba itong mukhang ito. Ha.Ha." Tumawa ng malakas si Don Steve, sabay akbay nito sa akin.Lumapit kami kay lolo,na ngayon ay naka-upo na uli. "Po?? Talaga po ba?? Pe-pero Don Steve bakit hindi niyo na lang po sabihin sa apo niyo!" Yumuko si Don Steve kaya hindi ko na ito kinulit pa.Ngayon ay alam ko na ang dahilan nito. "Huwag po kayo mag alala,Hinding hindi ko po iiwan si Ryker." Wika ko kay Don Steve, Tumayo ito at niyakap ako.Maya maya pa ay nagpaalam na ito sa amin ni lolo. - Ryker- Pambihira anong oras na wala pa ang babaeng 'yun, gaano kaya kaganda ang Belle,na 'yun.Palakad lakad lamang ako dito sa hallway ng munisipyo,ngayong araw ang kasal ko wala na talagang urungan ito.Buti na lamang pumayag si Lolo Steve,na sa huwes na lamang kami maikasal ng babaeng 'yun.Wala ako balak pakasalan ang babae na 'yun sa simbahan noh,Tanging si Rubi lamang ang gusto kung iharap sa altar. "Ohh,Iho nandyan na sila Belle!" Narinig kung wika ni lolo Steve,napabuntong hininga ako habang lumalapit sa pwesto ni lolo. "Buti naman dumating na sila,Masyado naman atang pa importante yang apo ng kaibigan mo! Lolo!" Wika ko kay lolo,napaurong naman ako ng makita ko kung ano klase babae ang mapapangasawa ko.Hindi ko akalain na ganito ang itsura ng Belle na akala ko'y maganda at sexy. "Lo!! ano ba naman itong pinili mong maging asawa ko!" Tatalikod na sana ako ng pigilan ako ni lolo. "Ryker, Iho mabait si Belle,Wag mong husgahan ang panlabas niyang ANYO!" Halata sa boses ni lolo na naiinis ito sa inasal ko.Hindi ako nito masisi,isang nerd lang naman ang pinili nitong mapangasawa ko. "Sana manlang lo,pumili ka naman ng maayos ayos BADTRIP NAMAN OHH!!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong magtaas ng boses sa lolo ko.Aalis na sana ako kundi nga lamang bigla sumama ang timpla ng mukha ni lolo Steve,kaya naman dalian ako sa pag alalay dito.Mahina na talaga ito at masyadong sensitive. "Okey, sige na bilisan na natin ang kasalang ito ng matapos na!" Wika ko sa judge na kaharap namin ngayon,tumingin pa sa akin ang babaeng nerd na ito.Nasusuka ako sa pag mumukha nito,hindi ko malaman kung ano nagustuhan ng lolo ko sa babaeng ito. "Ryker Montemajor,Tinatanggap mo ba bilang asawa si Belle Louise Grey?,sa hirap at ginhawa?" Iniiwas ko ang tingin sa babaeng nerd na kaharap ko ngayon,labag man sa kalooban ko alang alang sa mana sisikmurain ko na lang ang itsura nito. "YES!!!" Halata sa boses ko ang pagka inis,Nang mapatingin ako kay Belle,nakangiti pa nga ang gagang ito sa akin.Kaya naman napakunot ang noo ko,hindi lamang ata ito nerd may problema rin ata ito sa pag iisip. "Belle Louise Grey,tinatanggap mo ba bilang asawa si Ryker Montemajor?, sa hirap at ginhawa?" "Yes!! yes!! yes!!." Napadasal ako na sana sumagot ito ng hindi,ngunit nagkamali ako mukhang proud na proud pa ito sa pag sagot ng yes.Kaya naman lihim akong napamura. "Mr. and Mrs.Montemajor,Now that you both have committed yourselves to one another and to your Holy Union through the sacred vows that you have taken and by the giving and receiving of these rings, I now pronounce you husband and wife. Those whom God has joined together may He generously bless Forever. You may now kiss the bride." Nagpalakpakan ang mga tao kasama namin dito sa loob ng opisina ng judge.Nang tingnan ko si Belle pumikit pa talaga ito at bahagyang naka nguso,ano akala nito hahalikan ko siya sa labi.Gusto ko sana masuka ng isipin dadampi ang labi ko sa babaeng nerd na ito.Natatawa pa nga ako sa itsura nito parang gustong gusto nito ang nangyayari ngayon.Samantalang ako nasusuka na ako sa sitwasyon namin ngayon,hindi ganito babae ang pangarap ko mapangasawa.Bigla ko tuloy naisip si Rubi,siguro kung ito ang babaeng kaharap ko ngayon ako na ang pinaka masayang lalaki sa buong mundo.Pero ito isang Nerd ang kaharap ko.Gusto ko sanang umurong kaso huli na tapos na ang kasal at mukhang legal ang lahat ng ito.Napailing iling na lamang ako,mukhang wala na ako kawala sa kasal na ito. "Kiss your bride Mr.Montemajor." Wika ng Judge,kaya naman imbis na sa labi ko ito halikan sa noo ko ito binigyan ng halik ni hudas.Halata naman sa mukha ni Belle ang pagka dismaya,dapat lang sa noo dahil hindi ko papangarapin dumampi ang labi ko sa labi niya.Baka mamaya hindi pa ito nag sipilyo kadiri lang. "Congratulations! Mga apo!" Kinamayan ako ni lolo Steve at hinalikan naman nito sa pisnge si Belle.Binati rin ako ng lolo Grey nito at nakipag kamay. Pagkatapos ng kasal nauna na akong umuwi sa mansion.Pinigilan pa ako ni Lolo Steve,nagdahilan na lamang ako na sumama bigla ang pakiramdam ko.buti na lamang at pinayagan ako nito makaalis. "Bwesit kung hindi lang talaga dahil sa mga mamanahin ko hindi ako magpapakasal sa babaeng 'yun." Pagpasok ko pa lang sa mansion inihagis ko na ang suot kung coat suit,Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Rubi. "Hello babe, ohh!! wait te-teka bakit badmood ka na naman ata?" Wika ko rito,mukhang wrong timing ang pagtawag ko kay Rubi, nasa trabaho ata ito dahil sa naririnig kung ingay sa background. "Ryker!!!,pwede ba huwag muna ngayon,wala ako sa mood makipag usap sige na nasa trabaho ako." Bigla na lamang nito pinatay ang tawag,napahawak ako sa aking batok at minasahe 'yun bahagya kasing kumirot ang aking batok. "Ryker! Iho!, naisipan ko dito na lamang gawin ang reception ng kasal niyo ni Belle." Napalingon ako kay lolo,kasama nito ang judge at ibang empleyado sa munisipyo.May ilang tao rin ang nagpasok ng mga pagkain.Napadako naman ang tingin ko kay Nerd nakangiti na naman ito sa akin.Baliw ata ang babaeng ito,wala na akong nagawa kundi harapin ang bisita ni lolo, buti na lamang may inumin maglalasing na lamang siguro ako ngayon.Dahil ito ang pinaka nakakainis na nangyari sa buhay ko.Nakakasukang tingnan ang babaeng Nerd na katabi ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD