Panay ang kurap ko at tulala sa sarili. Blanko ang utak ko at wala akong naintindihan sa mga sinabi ni Richard Gordon. He keeps talking about this and that, and I know that it's all about the business and the designs. But it seems every word that came out from his mouth vanished in thin air. Ang hitsura ko kanina at ang labi ni Kenneth ang nasa isip ko ngayon at pabalik-balik ang eksena nito sa isip ko. Pinikit ko na ang mga mata ko at napailing ako sa sarili. "Is this okay with you, Tessie?" si Titan sa akin. Napatingin ako sa kanya, at halata sa mga mata niya ang pagkalito sa reaksyon ko. "H-ha?" awang ng labi ko at mahina akong tumango. It's good that he's also here, talking to Richard Gordon. Dahil kung ako lang, ay tiyak wala rin akong maintindihan. Ang totoo, hindi naman san