Simula

1020 Words
I hummed while fixing my hair, facing the dressing table. Ilang ulit ko na ba'ng binago ang ayos ng buhok ko? Hindi ko na mabilang ito. I wanted to be pretty, in order to get him to like me. Ang hirap kaya ng gagawin ko, pero kaya ko ito! No retreat no surrender. Nahinto ako sa ginagawa dahil tumunog ang cellphone ko at mabilis ko itong kinuha sa drawer. Si Fanny Nazareno ang nasa kabilang linya, at lumawak nang lalo ang ngiti ko. "Hello, Fanny?" "Tessie! How are you, my dearie," arteng boses niya. I sat down down back to my dressing table's chair and smiled. Excited ako sa sasabihin niya. Naghihintay lang din kasi ako sa tawag niya. "How ready are you?" sa kakaibang boses niya. Tumaas ang isang kilay ko at gumuhit ang kakaibang kaba sa puso ko ngayon. Dios ko, Lord! Ito na ba? Ito na ba ang sagot sa mga dasal ko? I swallow hard before answering him. Ayaw ko kasi na magkamali ng akala. E, baka naman wala lang din ito, at iba lang din. "I'm always ready, Fanny! You know that, girl!" siglang boses ko. Para akong nakalunok ng bato ni darna, at handang-handa na. "That's great, Tessie. Alam ko na maasahan kita. Now, get ready and make me proud, my dearie." Namilog ang mga mata ko at nahinto ang ikot ng mundo ko. Ito na ba? Ito na ba this? Dios ko, Lord! Sigaw ng isip ko. "I will be away for half a year with Kalbabo. Mag t-tour around the world kami, at syempre mananatili muna kami ng Italya. Kaya ikaw na. . . Ikaw na muna ang papalit sa truno ko. Kaya mo ba?" My heart skip it beats and my mouth parted! Magiging choosy pa ba ako? E, ito na ang pangarap ko. Kaloka, dios ko! "Oh my goodness me, Fanny! Are you not joking right? Hindi ba 'to prank?" Sabay tayo ko. Hindi lang ako makapaniwala. "No, it's not, dearie... I trust you with all my talents and reserved. Kaya alam ko na magiging mabuti ang lahat, dahil alam ko na isa kang magaling na make-up artist, Tessie. . . Make me proud, dearie." OMG! Sigaw ng isip ko, at napapikit-mata pa ako. "I will make you proud, Fanny. I promised. And thank you for everything!" saad ko. Kulang na lang mag pa-pyesta na ako dahil sa balitang ito. "Okay, I will see you when I get back. Love you, Tessie!" arteng tugon niya at pinatay na ang tawag sa kabilang linya. . "I need to go!" sigaw ko. "Ano? Sinong Go? Go na ano?" si Mama. Nataranta siya at hawak ang sandok sa kamay niya. Napangiwi ako. "No, Mama. I said, I have to go. I will be working exclusively in the Gordon's Group of Diamonds!!" tili ko. Tumuli rin si Mama at sabay kaming napalundag. Napako ang tingin ko kay Freya na ngayon ay walang buhay ang mukha. Ngumiti si Wendy habang nakanguya. Kumakain kasi kami at nasa mesa. Wala nga lang si Papa dahil abala siya sa barangay. Tumayo si Mandy at niyakap ako nang mahigpit. "Congratulations, Sis. I know you can make it. Because you are the best," pormal na ngiti niya. "Oh, thank you my dear sistah!" "OMG, ang arte 'te!" lihim na tugon ni Freya. Tumaas ang kilay ko. Narinig ko kaya ito! "Hoy, Freyaya! Ayusin mo iyang pag-aaral mo. Make sure that you will graduate this year or else?" "Or else what?" pamaywang niya. Nakatayo na siya at kantyaw ang ginawang pag-ngiti. "Hayaan mo na, Ate. Bitter kasi!" si Wendy kay Freya. Natawa lang din siya. "Tama na 'yan. Nasa harap tayo ng pagkain," si Mama. Naupo sila pabalik at mabilis kong kinuha ang bag ko. "Anak, Tessie. Kumakain ka muna. Wala pa'ng laman ang tiyan mo," si Mama. "Busog na ako, Ma. Kakain na lang ako roon. I have to go, because my dear Fanny Nazareno is waiting for me!" Humakbang na ako at kinuha ang pang-malakasan na make-up kit box ko. Nandito ang kinabukasan ko. Nandito sa loob ng make-up box kit na ito ang buhay at pangarap ko. "Go, Ate Tessie! Expand your Beauty Gem Products!" si Torrie. Nahinto ako, at nilingon siya. Hindi ko ito inaasahan sa kanya dahil palagi naman siyang tahimik talaga. "Okay, I have to go. Byeee!" kaway ko. I could no longer stop myself from smiling when I went out from the gate of our house. Ang ganda ng panahon, at ang sarap ng kinang nang araw sa langit. Walang ulan, at mainit lang. Panay ang tingin ko sa bawat kanto at naghihintay ako ng masasakyan kong tricycle. "Tessie, my loves. Good morning," si Kenneth, ang nag-iisang mekaniko sa lugar na ito na kinaiinisan ko. "Are you going to work now?" pa-ingles niya. "Hmp," irap ko. Iniwasan ko lang din siya. Humakbang ako at nakasunod naman siya. "Ano ba, Kenneth! Stop following me!" taas kilay ko. "My loves, mainit. Masusunog ang maganda at makinis na balat mo," sabay hakbang niya, at nasa tabi ko na siya ngayon. May payong na din sa ulong bahagi ko. Umismid ako at nahinto na. Nagtitigan na kaming dalawa. "Kenneth. . . I don't need your umbrella. Okay lang ako na mainitan ako dahil vitamin D ito!" Pinalakihan ko siya nang mga mata ko, pero natawa lang din siya at mas pinagdikit na ang katawan namin dalawa. Umalma ako at umiwas sa kanya. "Kenneth! I love you!" sigaw ni Bechay na mukhang pechay. "Kenneth! Free ka ba mamaya? Ipapaayos ko ang sasakyan ko," arteng tugon ni Delaylay, ang pinakamaarteng babae at syempre may pera sa subdivision na ito. "I'm sorry, girls. I have my top priority today and I am not free," si Kenneth sa kanila. Nagpatuloy ako sa hakbang at hindi na siya pinansin, at nakasunod lang din siya sa akin. "Bukas na lang, Kenneth!" sigaw ni Delaylay. "If you are not free tomorrow, there's always tomorrow!" pagpatuloy niya. Umigting ang tainga ko, at sa ikalawang pagkakataon ay nahinto ako. "Hindi nga siya bakante 'di ba? He's exclusive for me! Get's niyo ba?!" pasigaw ko. . C.M. LOUDEN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD