"Knock, knock?" si Wendy sa akin. Itinaas ko ang kilay habang sinusuklay ang basang buhok ko. Naghihintay siya sa pagsagot ko sa tanong niya. Huh, kalokohan na yata ito. Wala na bang ibang magawa ang babaeng ito kung 'di inisin ako sa kwarto! "Ate, knock, knock?" pilyang ngiti niya. Tinigan ko lang ang mukha niyang nakangiti sa repleksyon ng salamin. "Who's there?" ikot nang mga mata ko. "Hulog na ba?" "Hulog who?" "Nahuhulog na ba ang puso mo kay Kuya Kenneth my loves mo?" nguso niya. Naging daisy duck na tuloy ang bibig niya. Kaloka talaga! "Ahem, excuse me. There's no way that I will fall of Kenneth, my loves," ngiwi ko. Pero nahinto lang din ako nang tumili siya. Naisip ko ang huling binitawan na salita at may 'my loves' nga naman nito. Huh, kalokohan na talaga. "Ayee! Lov