Aeris Blyze ⚔

520 Words
"Sa totoo lang pagod na din ako, hindi ko lang gustong sumuko." Sa kabila ng mga masasakit na salitang narinig ko, sa mga taong tinalikuran ako, sa mga taong iniwan ako sa ere, sa mga rejections at disappointments na naranasan ko, bakit ko pa pinagpapatuloy? Saan ako kumukuha ng lakas ng loob para hindi sumuko? Naisip ko, nakakapagod pala. Imagine, wala ka namang ginagawang masama sa kanila pero bakit nakukuha pa nilang manakit? Minsan nga naitatanong ko sa sarili ko, 'Kapag ba sinaktan nila ako, makakaramdam sila ng saya? Kapag ba sinabi nila yung mga masasakit na salitang iyon, tataas ang tingin nila sa sarili nila at iisipin nilang better person na sila?' Pero sa kabila ng pagtatalo ng mga brain cells sa utak ko at kaba na nananalaytay sa mga veins ko, may isang boses ang nangibabaw. “Ako ba, sinaktan kita? Hindi diba? Tara, yakapin kita. Mahal kasi kita eh. Mahal na mahal.” Boses ni God. Pero tao lang din ako, nasasaktan, madalas panghinaan ng loob pero sa tuwing nararanasan ko yung mga sakit, wala pa ‘to sa mga sakit na naranasan Niya. Siguro, parte talaga ng buhay ng tao ang masaktan pero never naman tayong iiwanan ni God. Ano ka ba, He died for us nga eh. Ganun Niya tayo kamahal. Marami silang masasabi. Marami silang mapupuna. Pero dapat, magpatuloy ka lang sa paggawa ng kabutihan - inspirasyon sa pamamagitan ng talentong ibinigay sa ‘yo ni God. Huwag mo nang isipin ang sinasabi nila, ang importante, kung ano ang sinasabi ni God sa ‘yo..... Magpatuloy ka lang. "Sanay nako maiwan, magago, maloko, masaktan. Sa sobrang sanay ko ineenjoy ko na lang, ni hindi na nga ako nasusurpresa kung iwanan ako." Hugot ♪ ♪ Bakit bigla ka na lang naglaho Ni walang pasabi Di ko man lang natanong Kung pa'no, kung bakit, kung ano Ang nangyari sa pag-sasamang Inagaw tinangay ng panahon Ang tanging mong tinira, Isang buntong hininga't Isang malalim na hugot ♪ Natatakot ng mag-isa (hugot) Mahirap kalimutan ka (hugot) Mali bang minahal kita (hugot) Di ko na matatago Sugat ng kahapon Di ko na mababago Itinakda ng panahon Isang buntong hininga't Isang malalim na hugot ♪ Saan ba Kailan nga kita makikita Makakausap para sabihin Pinatawad na kita Ngunit sayang Huli na ang lahat Ngayong wala ka na, paano na Kung ikaw ang siyang hugot ♪ Natatakot ng mag-isa (hugot) Mahirap kalimutan ka (hugot) Mali bang minahal kita (hugot) Di ko na matatago Sugat ng kahapon Di ko na mababago Itinakda ng panahon Isang buntong hininga't Isang malalim na hugot ♪ Hindi tanga ang magmahal ng sobra sobra Mas tanga ang taong naghanap ng iba Iniwanan, sinaktan mo lang ako Kaya't isang buntong hininga't Mas malalim pa sa dagat na hugot. ♪ Natatakot ng mag-isa (hugot) Sinugatan mo lang ako (hugot) Mahirap ng limutin ka Di ko na matatago Sugat ng kahapon Di ko na mababago Itinakda ng panahon Isang buntong hininga't Isang malalim na hugot Hugot. ♪ 'Matuto kang magpatawad. Matuto kang tumanggap. Matuto kang makuntento. Matuto kang magseryoso. Matuto kang lumaban. Kasi tao ka lang. Wala kang kapangyarihan." ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD