Nagising ako ng maaga kinabukasan na masakit ang ulo at katawan. Mariin ako pumikit para magpa-balik wisyo nang pumasok bigla si Theo ng silid, hindi nga pala ito tumabi sa akin kagabi. "Pack all your things, I will bring you back to your parents's home." Ganoon na lang ang gulat ko sa narinig kong sinabi niya. Napa-awang ang bibig ko kasabay nang pagbangon ng saya sa akin, halos nanginit ang mga mata ko sa saya... napa-kurap ako ng alinsunod habang napatitig na lang sa seryoso niyang mukha. Hindi ko alam kung anong napagtanto niya kung paano niya naisip na pakawalan at ialis na ako rito sa islang ito pero gano'n pa man labis-labis ang sayang naramdaman ko. "U-Uuwi na ako?" Halos pumiyok ako kasabay nang pagtulo ng aking mga luha hindi na dahil sa sakit, kundi sa labis nang saya. Tuma