"Anong napaguusapan niyo ni Meridette?" seryosong tanong ni Theo sa akin nang wala siyang pasabing pumasok sa silid ko. Napabalikwas naman ako ng tayo mula sa pagkakaupo ko sa kama matapos ko ilagay sa ilalim ng kutson ko ang phone na binigay ni Meridette kung saan hindi madadaganan. Napalunok ako at pinag-daop ang aking dalawang kamay. "She just talked to me, hindi naman siya nag-iskandalo at hindi niya naman ako sinaktan." Nilapitan niya ako at pinakatitigan. "Anything she said to you?" mapanantiyang tanong pa niya kung may iba pa akong hindi sinasabi. Ang lakas talaga ng pakiramdam nito. Umiling ako. "W-Wala na... parang tanggap naman na niyang hindi talaga siya ang iyong gusto at hindi siya ang mahal mo," sagot ko at umiba ng tingin. "Sana nga lang talaga." Tumango-tango siya per